Two StarStruck pairs get lovestrucked


(Top) Paulo Avelino & Jewel Mische and (bottom) Kris Bernal & Aljur Abrenica are two of the most exciting loveteams on StarStruck The Next Level.



Sa isinagawang interviews para sa natitirang Danger 8 ng StarStruck The Next Level, tinanong namin sina Aljur Abrenica at Paulo Avelino kung gaano sila kaseryoso sa mga nali-link sa kanilang sina Kris Bernal at Jewel Mische, respectively.



Pagkatapos ba ng StarStruck ngayong March ay itutuloy ng dalawang binata ang panliligaw o baka naman hanggang sa duration lang ng contest ang kanilang ipinapakitang closeness sa isa't isa?



Sabi ni Aljur ay seryoso siya kay Kris at plano nga niyang ligawan nang seryosohan ang dalaga.



"Kung inaakala nila na kami na ni Kris, hindi pa po," paglilinaw ni Aljur. "Very close lang po kami at, opo, liligawan ko siya after the contest. Manalo o matalo man kaming dalawa, itutuloy ko ang panliligaw ko kasi si Kris talaga ang gusto ko."



Flattered naman si Kris dahil siya ang pinili ni Aljur na maka-loveteam. Sinabi rin ni Kris na tatanggapin niya ang panliligaw ni Aljur sa kanya kung itutuloy nga ng binata ang sinabi nito.



"Sobrang na-touch ako noong sabihin ni Aljur na ako ang gusto niya. Parang ang haba tuloy ng hair ko!" tawa ni Kris. "Lahat naman ng ipinakita ni Aljur sa akin na concern at closeness ay genuine. Hindi lang hanggang dito sa show ang lahat."



Samantala, sinabi ni Paulo na seryoso rin siya kay Jewel at liligawan daw niya talaga ang dalaga after the contest. Pero depende raw kay Jewel kung tatanggapin ng dalaga ang panliligaw ni Paulo.



"Gusto ko talaga si Jewel. Nasa Top 40 pa lang kami, siya na ang napansin ko. Ngayon ay very close kami. Yung nakikita nilang lambingan namin ay natural lang. I want to court her talaga, pero nasa kanya ‘yon, e. Kung tatanggapin niya, magiging masaya ako," asam pa ni Paulo.



Ayon naman kay Jewel ay gusto pa niyang makilala nang lubusan si Paulo. Hindi raw sapat ang three months na nagkakilala sila para sabihing may nararamdaman na siya para sa binata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Paulo is a great person, but if he says na liligawan niya ako, I would probably say no muna. Because I want to know him more and see kung hanggang saan ba kami patungo. Hindi enough ang tatlong buwan na magkakilala kami.

"‘Tsaka ayoko nung may ligaw-ligaw pa. I don't want boys to impress me ‘tapos madi-disappoint lang ako later on. Parang mas maganda yung to go with the flow. If we think na kami na talaga, it will happen. Right now, pakiramdam ko ay close friends pa lang kami," paliwanag naman ni Jewel.



Ngayong darating na Linggo, March 11, ang last live elimination ng StarStruck finalists sa GMA Broadway Centrum. May matatanggal na dalawa at ang matitirang anim ang siyang maglalaban-laban for the three coveted titles: Ultimate Loveteam, Ultimate Sweetheart, and Ultimate Hunk.

Bukod kina Aljur, Kris, Paulo, at Jewel, ang iba pang natitirang StarStruck Survivors ay sina Stef Prescott, Prince Stefan, Rich Asuncion, at Mart Escudero.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN