Tanya Garcia still not fit to work


Tanya Garcia may not be able to return in Super Twins because of her delicate condition.



Kinumusta ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang pagpapa-checkup ni Tanya Garcia sa kanyang obstetrician (OB) kahapon, March 6, sa Makati Medical City.



Masasabing mas maganda na ang resulta ng ultrasound kay Tanya ngayon, kumpara noong nakaraan niyang pagpapa-ultrasound. Pero in-advise pa rin sa kanya ng kanyang doktor ang two weeks bed rest dahil meron pa rin daw internal bleeding.



Yun nga lang, tila nakatulong naman ng malaki ang mga medicines na iniinom ni Tanya at ang pagbe-bed rest ng dalawang linggo. Lumiit na raw kasi ang size ng tila dugong namumuo sa paligid ng bahay-bata ni Tanya.



Two weeks din ang hinintay ng staff ng fantaserye na Super Twins kung makakabalik pa ba siya or hindi na. Pero dahil nga another two weeks pa ang hinihiling ng kanyang OB na dapat niyang gawin niya for the safety of her baby, malamang na hindi na talaga siya mahihintay pa ng Super Twins.



Napag-alaman ng PEP na nire-request ng staff ng Super Twins na baka kayanin ni Tanya na mag-taping ng kahit kalahating araw lamang para mabigyan ng magandang exit ang kanyang character.

Hindi pa masagot ni Tanya kung posible siyang makapag-last taping day for Super Twins sa gitna ng maselan pa rin niyang kalagayan. Kung siya raw kasi, gusto niyang mag-taping dahil alam niyang kailangan naman talagang maipakita kung paano mawawala sa story ang kanyang character.



Pero mahigpit daw ang bilin ng kanyang OB na hindi pa talaga siya puwedeng lumabas, lalo na ang magtrabaho, mapagod, or ma-stress. Pero mukhang sa pakikipag-usap ng PEP kay Tanya, pinakikiramdaman pa rin niya ang sarili na mapagbigyan ang request ng Super Twins dahil napamahal na raw sa kanya ang kanyang role at ang staff ng show.



Siyempre pa, sa kabila ng lahat, prayers pa rin ang alam niyang bukod-tanging pinakamabisang paraan para maging safe na ang ipinagbubuntis niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN