Uma Khouny reacts to "apartelle issue" with Paolo Ballesteros


"Hindi mo masasabi kung sino ang bading o kung sino ang hindi kahityung masyadong malambot o kasama niya mga bading... Hay naku, ang daming bading sa Pilipinas na 'yong iba ay may mgaasawa at mga anak at alam natin na bading sila! Ikaw lang mismo angnakakaalam kung sino ka at ano ka," says Uma Khouny.



Sa opening ng Calayan Surgicentre sa Timog Avenue kahapon ng tanghali, March 7, ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang controversial Pinoy Big Brother ex-housemate na si Uma Khouny.

A couple of weeks ago ay lumabas ang isang blind item tungkol diumano sa dalawang male celebrities na namataang pumasok sa isang apartelle sa Makati na magka-holding hands. Later on, pinangalanan na ang nasabing blind item. Sina Uma at Paolo Ballesteros daw ang nakitang magka-holding hands papasok ng apartelle.

Ano ang reaksiyon ni Uma nang malaman niya ang isyung ito sa kanila ni Paolo?

"Naku, ka-cheapan, ka-cheapan, ka-cheapan! Gusto kong kausapin yung writer, sasabihin ko sa kanya, ‘Hello!' I mean, magkahawak-kamay, parang OA na, di ba? Katangahan na 'yon, e! Maghahawak-kamay sa Makati Avenue pa, of all places, di ba?" pahayag ni Uma.



Inamin ni Uma na magkaibigan na sila ni Paolo bago pa siya pumasok sa Pinoy Big Brother house. Ayon pa sa kanya, mahilig sila parehong maglaro ng badminton ni Paolo kaya agad silang naging magka-vibes.

"Ay naku, bakit ganun ang Pinoy? Kapag nakita kang may kasamang lalake, pag-iisipan kang bading? Ang nakakainis, limang buwan kaming di nagkikita dahil nagtatrabaho ako, pagkatapos natsimis kaming magkasama kaming dalawa. Noong nagkakasama kami sa lakaran with friends ay di kami natsitsismis, pero ngayon na di kami nagkikita at nagkasama ay saka naman kami natsitsismis!" sabi pa ni Uma.



Ipinagtanggol din ni Uma si Paolo sa pagsasabing wala siyang napansing kaberdehan sa Eat Bulaga! co-host, at lalong wala itong naramdamang nag-take advantage ito sa kanya.

Maging si Uma ay pinagdududahan ng marami. Ano ang masasabi niya sa mga taong kumukuwestiyon sa kanyang pagkalalake?



"It's their opinion, hindi ko kayang baguhin ang opinion nila," sabi ni Uma. "Isa lang ang ipinapakita nila, how insecure sila sa akin. Basta sumisikat lang ako. Keep on saying what you wanna say, keep on doing what you gonna do. Gawin n'yo, kilala ko ang sarili ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Hindi mo masasabi kung sino ang bading o kung sino ang hindi kahit yung masyadong malambot o kasama niya mga bading. You cannot judge the person immediately na dahil may mga kaibigan itong bading ay bading na siya. Hay naku, ang daming bading sa Pilipinas na 'yong iba ay may mga asawa at mga anak at alam natin na bading sila! Ikaw lang mismo ang nakakaalam kung sino ka at ano ka," paliwanag pa niya.



Natawa si Uma nang tanungin namin kung may indecent proposals din siyang natatanggap mula sa mga bading. Pero sinagot din niya ang katanungan.

"Oo naman," tugon niya. "Dyusko, tinatanggihan ko na lang! May nag-aalok sa 'yo ng kotse, bahay... Alam mo, kung tinanggap ko lahat, siguro milyonaryo ako ngayon at babandying-bandying na lang siguro ako sa pag-aartista."

Dagdag pa niya, "Pero yung ibebenta ko ang sarili ko sa pera? Alam mo, kahit mahirap ako, wala akong masyadong shows, wala akong masyadong trabaho, hindi ko tatanggapin 'yong pera sa pagbebenta ng katawan ko. Never!"



Sinabi pa ni Uma na "super-openminded" siya pagdating sa sex.

Ayon sa kanya, "Sex is sex. Kung gusto ng isang taong makipag-sex, okay lang, walang problema. Pero kung magpapabayad, 'yan ang ka-cheap-an! Ayoko ng ganyan!"



Samantala, inamin ni Uma na regular listener siya ng radio program ni DJ Mo Twister na Good Times, lalo na ang segment nitong "Forbidden Questions." Given a chance, gusto raw niyang maging co-host ng radio show dahil dito lang daw niya maipapahayag ang kanyang freedom of speech.

"Gusto kong i-host ang show na 'yan kasama si Mo, of course. Kasi, dyusko, doon puwede mo i-broadcast ang bunganga mo na you can be sarcastic, you can be yourself! Kasi sa TV, you have to be a very good boy at siyempre naman, nakilala ninyo ako sa PBB na bunganga ko. Pero ngayon, mabait ako siyempre, di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil gusto rin naman niyang maging host ng programa ni Mo, naisipan naming tanungin si Uma ng ilang "Forbidden Questions." Very game naman siyang pumayag.

Sinong entertainment writer ang pinaka-dislike mo because he wrote something against you?
"Actually, wala akong maalala. Okay lang kung may magsusulat ng nega sa akin dahil opinion nila 'yan, e. Wala akong magagawa kung di ko mababago ang paniniwala nila. Okay lang."


Ano ang masasabi mo sa lumalabas na "piggy-back ride" photo nina Piolo Pascual at Erik Santos at yung "holding hands" photo nina Piolo at Sam Milby?
"Ang alam ko magkasama sila [Piolo and Erik] sa trabaho. So what kung naka-piggy ride, ibig bang sabihin nun bading na ang tao? C'mmon! Alam mo ang dapat dito, i-open natin ang mga utak natin. Tingnan natin sa mga Hollywood actors, marami naman silang mga bading doon, e. Kahit mga lalake naman tayo, puwede naman ang maglambingan, di ba? So wala 'yon, hindi ako maniniwala.



"Tungkol naman kina Piolo at Sam na naghu-holding hands... Ow, c'mmon! Magho-holding hands ba sila? I mean, di ko alam kung sila o hindi, pero walang bading na tanga, celebrity na maghu-holding hands sa labas kung di sila out of their whatever, di ba?"



Sino para sa ‘yo ang sexiest actor and actress?
"Pinakaseksi at pinakamagandang babae si Ruffa Gutierrez... Siya yung number two at ang number one ko ay si Gretchen Barretto. She's my ultimate crush. Sa mga lalaki, mahirap kasi pa-cute ang mga lalaki dito, e. Pero si Jericho Rosales, okay siya kasi makikita mong simple lang siya at guwapo 'yon."

Who do you want to have sex with?
"Gretchen Barretto."

Kung naging babae ka, sinong aktor ang gusto mong makasiping?
"Dito? Walang-wala kasi puro pa-cute, e. Maaarte! Ay naku, kung ako ay naging babae, dapat mataas ang taste ko! Dapat maging maarte ako!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Kung wala sa local, how about sa Hollywood?
"Ay marami! Si Brad Pitt. Si Tom Cruise."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN