Rich Asuncion and Mart Escudero ready to accept their fate in 'StarStruck'


Rich Asuncion (left) and Mart Escudero are two of the remaining eight StarStruck survivors who will battle it out for the three titles at stake.



Sa Linggo, March 11, na malalaman kung sinu-sino ang Final 6 ng StarStruck The Next Level. May pangamba pa rin ang finalists na sina Rich Asuncion at Mart Escudero na baka hindi sila mapasama sa Final Six.

Sabi nga nina Rich at Mart, naranasan na raw nilang matanggal kaya kung hindi man sila mapasama sa Final 6, okay lang daw sa kanila. Na-eliminate na kasi dati si Rich, pero nakabalik siya during the wild card week. Si Mart naman ay muntik-muntikan nang matanggal nang mapasama siya sa Avengers for one week.



Para kay Rich, magandang experience ang nakuha niya sa StarStruck. Natuto na raw siyang huwag mag-expect masyado dahil anything goes daw sa reality-based artista search na ito ng GMA-7.



"Noong una po akong natanggal, doon ko na-realize na may kulang pa pala sa akin. Hindi pa pala sapat yung naipakita ko sa kanila. Kaya nga noong bigyan ulit ako ng chance na i-prove ang sarili ko, ginawa ko na po ang lahat ng makakaya ko. Nasa kamay na ng Council at mga text voters ang magiging kapalaran ko sa Sunday," sabi ni Rich.



Noong magkaroon ng tour ang StarStruck finalists sa Bohol, ang home province ni Rich, nagulat ang dalaga dahil kilala na siya halos lahat ng mga tao roon at tinatawag ang pangalan niya.



Aniya, "Sobrang natuwa ako kasi noon, walang gaanong nakakakilala sa akin sa Bohol. Ngayon, marami na. Naramdaman ko ang malakas na suporta nila sa akin. Pero prepared na po ako sa mangyayari sa Linggo. Kung ano ang mangyari, tatanggapin ko po ‘yon."



Para naman kay Mart, kanya-kanyang panahon lang naman daw ang lahat. Masuwerte nga raw siya at nabigyan siya ng isang pang chance para makipag-compete sa Danger 8.



"Nalungkot po ako noong matanggal ako," pag-amin ni Mart. "Hindi ko na inasahan na makakabalik pa ako kasi ang pakiramdam ko, si Dex [Quindoza] ang makakapasok sa Danger 8. Pero noong ako ang tawagin, nabuhayan ako ng loob. Sinabi ko sa sarili ko na may pag-asa pa kaya gagalingan ko pa sa mga tests na ibibigay sa amin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Sabi-sabi ay malaking tulong daw ang nagawa ng senatorial candidate na si Chiz Escudero sa pagpasok ni Mart sa Danger 8. Tumulong daw ang pulitiko na makakuha ng maraming text votes si Mart.



"Hindi ko po alam yun," ani Mart. "Kasi si Chiz po ay parang distant relative na namin. Taga-Laguna sila at kami naman ay taga-Cavite. Hindi ko pa po siya nami-meet in person, pero ang daddy ko ang naging close sa kanya noon. I think distant cousins sila.

"Kung totoong tumulong siya, nagpapasalamat ako sa kanya. Hindi ko alam na makakatanggap ako ng gano'ng suporta. Pero whatever happens naman, matatanggap ko na."

Dagdag pa niya, "Pumasok man ako o hindi sa Final Six, magpapasalamat pa rin ako sa Diyos dahil nabigyan niya ako ng ganitong pambihirang opportunity. Marami akong natutunan at dadalhin ko yun sa anumang trabaho na pasukin after StarStruck."

Bukod kina Rich at Mart, kabilang din sa Danger 8 ng StarStruck sina Aljur Abrenica, Paulo Avelino, Prince Stefan, Krsi Bernal, Jewel Mische, at Stef Prescott.



Bukas, March 9, ay may live chat ang StarStruck Danger 8 called Struckathon. Ito na raw ang final day ng Danger 8 para mangampanya at makakuha ng mga boto. Magsasara ang botohan ng alas-dose ng gabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN