Cristine Reyes will not campaign for Mark Lapid


"I'm wishing Mark good luck na lang. Susuwertehin naman siya kasi buntissi Tanya [Garcia], di ba? Sabi nga nila, suwerte ang buntis," says Cristine Reyes about Mark Lapid.



Hindi na nagulat ang marami nang tumanggi ang young actress na si Cristine Reyes na tumulong sa kampanya ng dating na-link sa kanya na si Pampanga Governor Mark Lapid, na tatakbo ulit for re-election ngayon darating na Mayo.

Pero ang balita ay isang Kapampangan din ang tutulungan ni Cristine ngayon eleksiyon—ang 24-year-old businessman na si Janus Calara na tatakbong konsehal sa Magalang, Pampanga. Ang aspiring politician din daw ang pinakabagong manliligaw ni Cristine. Nakita pa nga raw diumano si Cristine kasama si Janus habang nagdi-dinner sila sa isang restaurant sa Ali Mall, Cubao.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Cristine ay hiningan namin siya ng reaksiyon tungkol sa pagkaka-link niya kay Janus.

"Hindi naman lahat ng makita nyong kasama ko, e, nanliligaw sa akin. Kaibigan lang si Janus at kung manliligaw siya, wala naman akong nakikitang masama kasi binata naman siya at dalaga naman ako. Pareho kaming walang idine-date kaya posibleng magpaligaw ako, di ba?" nakangiting sabi ng nakababatang kapatid ni Ara Mina.

Nilinaw rin ni Cristine ang hindi niya pagtulong sa kampanya ni Mark, na minsan ay na-link sa kanya. Ayon kay Crsitine ay wala namang direktang offer sa kanya ang kampo ni Mark upang tulungan siya sa kampanya.



"May nagsabi lang pero wala namang formal na pag-uusap kung puwede ko ba siyang ikampanya. Kaya tinanggap na namin itong pag-campaign sa KAMPI, kunsaan kasama si Janus. Trabaho lang naman ito, e. Tsaka ginagawa namin ito para sa isang kaibigan," paliwanag ni Cristine. Ang KAMPI ang partido ng makakalaban ni Mark bilang governor na si Pampanga Board Member Lilia Pineda.

"Siguro kung nagkaroon ng maayos na usapan with Mark's people, baka na-consider namin yun. Pero may nauna na kaya I'm wishing Mark good luck na lang. Susuwertehin naman siya kasi buntis si Tanya [Garcia], di ba? Sabi nga nila, suwerte ang buntis," pahayag pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Samantala, natuwa naman si Cristine nang malamang may crush sa kanya ang co-star niya sa Super Twins na si Mura. Kuwento sa amin ng isang production staff ng show, madalas daw kabahan si Mura kapag magkaeksena sila ni Cristine. Nabubulol daw ito at nakakalimutan ang mga linya kaya nakakailang takes daw ito tuwing kasama si Cristine.



"Ang cute naman ni Mura, di ba?" tawa ni Cristine. "Hindi ko alam na may crush pala siya sa akin. Mabait si Mura at kinatutuwaan namin siya sa set. Kapag nate-take two nga siya, ako ang nasisisi. Huwag ko raw masyadong titigan si Mura kasi naku-conscious daw sa akin. Nakakatuwa siya talaga."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN