Rochelle Pangilinan happy for SexBomb's return to 'Eat Bulaga!'


"Natutuwa kami kasi nga bumalik na kami sa tahanan namin. Kahit naman nawala kami, alam namin na balang-araw ay makakabalik kami," says Rochelle Pangilinan about SexBomb's comeback to Eat Bulaga!



Natutuwa si Rochelle Pangilinan na makakabalik na ang grupo nilang SexBomb Girls sa original nilang tahanan, ang Eat Bulaga!. Pero hindi gaya noon na everyday silang napapanood, ngayon ay twice a week na lang—Monday and Wednesday.



Ipinaliwanag ni Rochelle na may mga natanguan na kasing mga trabaho ang SexBomb bago pa man nagkaroon ng magandang kasunduan ang kanilang manager na si Joy Cancio at ang TAPE Inc. executive na si Ms. Malou Choa-Fagar. Plus the fact nga na may EB Babes na sa Eat Bulaga! kaya ayaw naman nilang mawalan ito ng mga trabaho.



"Natutuwa kami kasi nga bumalik na kami sa tahanan namin. Kahit naman nawala kami, alam namin na balang-araw ay makakabalik kami. Kaya bago ulit mag-Daisy Siete, mapapanood na ulit ang SexBomb sa Eat Bulaga! every Monday and Wednesday," masayang sabi ni Rochelle.

Patungkol naman sa showdown with the EB Babes na hinihintay ng mga fans nila na mangyari ulit, si Rochelle na ang nakikiusap na huwag na lang daw ito sana maulit dahil nagiging sanhi raw ‘yon ng gulo between SexBomb and EB Babes.



"Maganda sana yun pero huwag na lang. Napagbibintangan ang grupo namin na nananakit. E, hindi naman totoo ‘yon. Naki-showdown kami because of Eat Bulaga! na mahal na mahal namin. Wala sa amin ang nananakit o nakikipag-away. It's better siguro na kanya-kanya na lang kaming mag-perform sa show," sabi ni Rochelle.

Samantala, nagsimula na ring mag-record si Rochelle ng kanyang solo album. Ipinarinig nga niya ang isa niyang single sa Nominees Night para sa 4th Golden Screen Awards noong Martes ng gabi, March 6, sa Zirkoh Greenhills.

"Malapit nang matapos ang solo album ko," natutuwang balita ni Rochelle. "Matagal ko na itong pinangarap at mabuti na lang at sinuportahan ako ni Ate Joy. Pero hindi naman ibig sabihin ay iiwan ko na ang SexBomb. Sexbomb Girl pa rin ako sa puso at diwa. Hindi ko puwedeng iwan ang grupo kung saan ako nagmula."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN