Gladys Reyes reacts to Mo Twister's "worst billboard" comment


Gladys Reyes just laughs off DJ Mo Twister's comment that her KSA Magic billboard is one of the worst billboards along EDSA.



Pagkatapos magbakasyon ng controversial DJ na si Mo Twister sa United States ay siya ang sumalang kahapon, March 7, sa "40 Forbidden Questions" segment ng kanyang radio program na Good Times. Tila ito ang way ng pagwe-welcome back kay Mo ng kanyang co-DJs na sina Mojo Jojo at ang sexy actress na si Maui Taylor.



Yun nga lang, kahit siya na ang mismong host ng show, hindi pa rin nagawa ni Mo na makakuha ng perfect score at napilitan din siyang mag-tap out after the 28th question.

Isa sa mga tanong na sinagot ni Mo ay kung ano ba para sa kanya ang worst billboard sa kahabaan ng EDSA.

Ito ang sagot ni Mo: "There's so many. I'm gonna say that the [Ellen's] is terrible. Then, there's Gladys Reyes in EDSA, Cubao. But I think the thing that takes the cake right now is Belo ad with [Richard] Gomez on it. It doesn't make sense. ‘One hope, one vision, one nation,' for dermatology?"

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Gladys upang kunin ang kanyang reaksiyon tungkol sa komento ni DJ Mo. Si Gladys ang endorser at may-ari ng KSA Magic, na ang billboard ay matatagpuan sa may bandang Cubao, Edsa.

"Bakit daw worst? Dahil nakataas ang isang underarm ko?" tanong ni Gladys.



Dahil kilalang magaling na kontrabida onscreen si Gladys, tinanong namin siya kung galit ba siya sa naging comment ni Mo at posible rin kayang makatikim ng katarayan niya ang controversial DJ?



"Well, ang masasabi ko lang, at least sa dinami-rami ng naglalakihang billboards sa EDSA, napansin niya pa talaga yung sa akin!" natatawang sabi ni Gladys.

Ayon pa sa aktres, very proud siya dahil nung kasagsagan ng super typhoon Milenyo ay hindi raw natinag ang kanyang billboard, samantalang yung ibang naglalakihang billboards sa Edsa ay bumagsak o di naman kaya ay tinanggal mismo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). Ginawa pa nga raw example ang billboard ni Gladys ng tamang posisyon at laki lang ng billboard sa kahabaan ng Edsa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"O, di ba? Yun ang sinasabi ko. Kahit si bagyong Milenyo noon, nasilaw sa kili-kili ko at hindi natinag ang billboard ko! Samantalang yung iba, nagsipagbagsakan!" sabi pa ni Gladys, na napapanood sa GMA-7 shows na Bakekang at Bahay Mo Ba 'To?.

Nagbiro rin si Gladys na baka raw type ni Mo ang ibinebenta niyang KSA Magic na pampaputi.



"Bibigyan ko si Mo ng KSA Magic whitening products para ma-experience niya na pumuti ang underarm niya para hindi na siya ma-insecure sa kili-kili ko!" tila idinadaan na lang sa birong pahayag ni Gladys.



Dagdag pa ng aktres, puwede raw sigurong abangan ni Mo ang pagpapalit nila ng billboard dahil kakatapos lang ng pictorial nila.



"Yes, papalitan na namin. Abangan ni Mo dahil, this time, dalawang kili-kili ko na ang nakataas sa bagong billboard ng KSA Magic!" natatawa pa rin niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN