Gary V. and sons reveal each other's "secrets"


"Minsan pagpasok ko sa kuwarto nila, kapag nakikita ko silang natutulog, that makes me cry. Hindi lang nila alam," says Gary Valenciano.



In a rare TV appearance, sabay na nag-guest sa Homeboy ang Mr. Pure Energy na si Gary Valenciano kasama ang kanyang dalawang anak na lalake na sina Paolo at Gabriel. That particular episode, kung saan nagbukingan ang mag-aama, is one of the best ng Homeboy.

Would you believe na after of so many years na hinahangaan si Gary sa kanyang kahusayan sa pagkanta at pagiging very energetic sa pagsayaw ay mayroon pala itong naiibang trip sa loob ng kanilang bahay? Ito ang pagsusuot ng damit-pambabae kuntodo heavily makeup with matching wig.

Pero nilinaw naman ni Gary na nangyari ito a few years back while they were decorating their Christmas tree. Actually, hindi lang naman si Gary ang nagsuot ng pambabae kundi pati sina Paolo at Gab.



"The way we are at home is unbelievable! Anything goes para maitayo namin yung Christmas tree. Kapag makita ninyo yung video, na you will never get to see, thank God, but it's crazy!" natatawang sabi ni Gary.



"Actually, we got pictures that can end the career of a Gary Valenciano and his life. Talagang di namin puwedeng ilabas!" sundot naman ng panganay ni Gary na si Paolo.



Nang tanungin ng host ng Homeboy na si Boy Abunda kung sino ang pinakamaganda sa kanilang tatlo nang nakasuot-damit pambabae sila, agad sumagot si Pao ng "Me!"



Sa "How Well You Know Each Other" portion ng programa ay marami pang ibinuking ang mag-aama tungkol sa isa't isa.

Aminado sina Gary at Gab na pareho silang isip-bata at pikon.

Si Paolo naman daw ang pinakamalakas kumain sa kanilang tatlo. "Kung kumakain sa siya sa restaurant, nalulugi ang restaurant, pero di naman tumataba!" biro pa ni Gary.

Kahit hindi niya naririnig ang kanyang sarili, naniniwala si Gary na siya ang pinakamalakas na humilik.



Nang tanungin kung sino ang pinaka-iyakin sa kanila, umamin ang tatlo na pare-pareho silang iyakin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Gary, "Di ko lang alam kasi I don't see them. I don't know what they do, but with me, naiiyak ako sa buhay. Minsan pagpasok ko sa kuwarto nila, kapag nakikita ko silang natutulog, that makes me cry. Hindi lang nila alam."

Si Gabriel naman daw ang madalas mapagalitan ng mommy nilang si Angeli Pangilinan-Valenciano dahil sa madalas nitong pag-uwi ng madaling-araw.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN