Stef Prescott out, Kris Bernal in as Aljur Abrenica's loveteam


Stef Prescott (right) says that she is not bothered when Aljur Abrenica (middle) chose Kris Bernal (left) over her to be his loveteam in StarStruck The Next Level.



Mariing itinanggi ng StarStruck The Next Level finalist na si Stef Prescott ang balitang nasaktan siya nang mas piliin ni Aljur Abrenica si Kris Bernal bilang ka-loveteam ng binata sa reality-based artista search ng GMA-7. Ayon kay Stef, naiintindihan niya ang desisyon ni Aljur dahil noon pa man daw ay ramdam niyang mas gusto talaga ng binata si Kris kahit na marami ang nagsasabi na mas bagay sina Aljur at Stef.



Para kay Stef, trabaho lang ang lahat at kung sa tingin daw ni Aljur ay mas bagay sila ni Kris, wala naman daw siyang magagawa. Marami naman daw siyang puwedeng ibang makapareha kapag natapos na ang StarStruck.



"Maraming nag-text sa akin the night na piliin ni Aljur si Kris as a loveteam. Kung affected ba ako? Sabi ko naman hindi because choice ni Aljur ‘yon. ‘Tsaka even before, he made it clear na friends lang kami at si Kris talaga ang gusto niya," pahayag ni Stef.



"Wala naman ako sigurong karapatan na pigilin siya sa gusto niya. Anyway, walang problema between me and Kris kasi okay naman kami. Kami naman ni Aljur, we're really good friends. Siguro hanggang doon lang talaga kami," aniya pa.



Nalalapit na ang Final Judgment ng StarStruck: The Next Level. Sa Linggo, March 11, na ang final live elimination para malaman kung sino sa Danger 8 ang dalawang matatanggal at kung sino ang maglalaban-laban para sa mga titulong Ultimate Loveteam, UItimate Sweetheart, at Ultimate Hunk.



Ayon kay Stef, nakakaramdam pa rin siya ng kaba kahit na marami ang nagsasabing shoo-in na siya sa Final Six. Ayaw itong isipin ni Stef dahil anything can happen daw on Sunday.



"Mas kinakabahan ako ngayon kasi apat na lang kaming mga babae," pag-amin niya. "The smaller the group, mas lalo kang kailangang maging alert and be on your toes. Kami naman, hindi namin alam kung ano ang puwedeng mangyari on Sunday. Positive thinking na lang siguro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Pero just in case, prepared na ako. Alam naming lahat na contest ito and somebody has to win. Whatever happens, alam ko na kagustuhan yun ng Diyos," positibong pagtatapos ni Stef.

Bukod kina Stef, Aljur, at Kris, kasama rin sa Danger 8 sina Jewel Mische, Rich Asuncion, Paulo Avelino, Mart Escudero, at Prince Stefan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN