Rayver Cruz not threatened by other suitors of Shaina Magdayao


"Alam naman ni Shaina that I am very sincere sa pagpapakita ng feelingsko sa kanya. Everything na iparamdam ko sa kanya ay totoo, pero na kayShaina pa rin naman ang huling desisyon," says Rayver Cruz.



Two months na palang nanliligaw ang young actor na si Rayver Cruz sa ka-loveteam niyang si Shaina Magdayao. Since nagsimula raw silang mag-shoot ng pelikula nilang Happy Hearts for Regal Entertainment ay sinimulan na rin ng 17-year-old male teen star ang panliligaw sa kanyang leading lady.



So far, hindi pa rin daw sinasagot ni Shaina si Rayver. Ayon pa sa binata, sinabi raw ni Shaina sa kanya na papahirapan daw muna siya nito bago siya sagutin.



"Okay lang kasi I really like Shaina," sabi ni Rayver. "Noon ko pa siya crush. Kasi before, mas matangkad siya sa akin kaya nahihiya akong magsabi na gusto ko siya. E, ngayon mas matangkad na ako, puwede ko na siyang ligawan nang maayos."

Pabor din daw ang pamilya ni Shaina sa panliligaw ni Rayver dahil nagpaalam pa raw ang binata bago niya pormal na ligawan ang dalaga. Sa katunayan, close na nga si Rayver sa mommy at daddy ni Shaina.



"Mababait sila Tita Deanna at Tito Ike. Noong magpaalam ako nang pormal, wala naman silang pagtanggi sa akin. Natuwa nga raw sila because ako lang daw ang nagpaalam sa mga gustong manligaw kay Shaina. Sabi ko naman sa kanila na wala silang dapat ipagbahala kasi aalagaan ko naman ang anak nila," kuwento ni Rayver.



Ano naman ang comment sa kanya ng ate ni Shaina na si Vina Morales?



Aniya, "Okey naman kay Ate Vina. Sinabi lang niya sa akin na huwag kong pababayaan si Shaina kasi bunso raw siya at ayaw nilang malagay siya sa pahamak. I promised naman that I will always look after her."



Sinabi ni Shaina na hindi lang daw si Rayver ang nanliligaw sa kanya kundi may mga non-showbiz guys din. Okay lang ba kay Rayver na may kakumpitensiya siya sa atensiyon ni Shaina?



"Hindi naman ako siyempre magpapatalo!" mabilis niyang tugon. "Siguro ang edge ko sa ibang suitors niya is mas madalas na kami ang magkasama ni Shaina. Kasi nga, we are both in the same shows sa ABS-CBN [About Ur Luv], plus may movie [Happy Hearts] pa kami. May kanya-kanya namang diskarte ang panliligaw, e. May the best man win na lang, di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Sa palagay ba niya ay malaki ang pag-asa niya kay Shaina?



"Sana naman po," sagot ni Rayver. "Alam naman ni Shaina that I am very sincere sa pagpapakita ng feelings ko sa kanya. Everything na iparamdam ko sa kanya ay totoo, pero na kay Shaina pa rin naman ang huling desisyon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN