Gladys Guevarra will also return to 'Eat Bulaga!'


After resigning from Eat Bulaga! last January, comedienne will have a guest appearance on the show this Saturday.



Babalik ngayong Sabado, March 10, si Gladys Guevarra sa Eat Bulaga!. Lalabas siya sa "Bulagaan" portion ng noontime show ng GMA-7 bilang si Chuchay, ang character na pinasikat ng comedienne at siya ring pangalan niya sa sarili niyang show na Magic Kamison.

Last Tuesday, March 7, ay tumawag sa amin—bilang talent manager ni Gladys—ang talent coordinator ng Bulaga! upang alamin kung saan puwedeng kunan ng plugging si Gladys for Saturday guesting niya sa show.

Nang tawagan namin si Gladys, sinabi niyang sa Bulaga! studio siya magsu-shoot ng plug at pupunta siya sa Broadway Centrum bago matapos ang programa.

Nagulat nga ang mga guwardiya, staff, at ilang tao sa Broadway Centrum nang makitang dumarating si Gladys. Tinatanong nila kung babalik na raw ba siya sa show?

Of course, pagpapaunlak sa imbitasyon ng Bulaga! ang pagge-guest ni Gladys. Wala pang katiyakan kung babalik na siya nang tuluyan sa programa.

But her doors are not closed sa possibility, pero ang desisyon ay manggagaling siyempre sa management ng TAPE, Inc. Anuman ang kalabasan ng pag-uusap, mas mabuti yung namnamin muna ng televiewers ang pagsulpot ni Chuchay sa Eat Bulaga! at saka na natin alamin ang susunod na mangyayari.

Ang talagang magbabalik sa show ay ang SexBomb Girls na regular nang mapapanood muli tuwing Lunes at Miyerkules.

Matatandaang naging malaking isyu ang pagre-resign ni Gladys sa Eat Bulaga!. Hindi kasi pinaniwalaan ng iba na problema sa kalusugan ang rason kaya siya umalis. Kung anu-anong ispekulasyon ang lumabas at ang pinakamaingay nga ay ang relasyon diumano ni Gladys kay Janno Gibbs, na isa sa mga co-hosts ng Eat Bulaga!. Kapwa pinabulaanan ng dalawa na nagkaroon sila ng relasyon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN