Danica Sotto and Marc Pingris shouldered their own wedding expenses


Newlywed couple Marc Pingris and Danica Sotto did not ask a single cent from their parents for their wedding.


Nanggaling sa sariling savings nina Marc Pingris at Danica Sotto ang ginastos sa kasal nila noong March 3 sa Palms Country Club sa Alabang, Muntinlupa. Nagtataka nga raw ang ama ni Danica na si Vic Sotto dahil walang hiningi ni isang kusing ang anak bilang dagdag sa gastusin nung wedding day nila.

Bumaha ng luha sa araw ng kasal nina Marc at Danica na sinabayan pa ng pag-ulan, kaya yung dapat na garden wedding ay naging ballroom wedding na siya ring pinagdausan ng reception.

Sinimulan ni Marc ang pag-iyak nang kunin niya ang kamay ni Danica mula sa amang si Vic. Hindi naman agad nagpakita ng emosyon si Vic, pero nang isayaw na niya ang panganay na anak, kitang-kitang nangilid ang luha niya sa mata matapos yakapin nang mahigpit ang anak.

Pero sandali lang naman ang iyakang naganap. Namayani rin ang tawanan lalo na nung magsayaw na ng swing ang bagong kasal.

Mahaba ang naging speech ng mother of the bride na si Dina Bonnevie sa reception, pero nung wedding ceremony ay naging tahimik lang ang aktres habang ikinakasal ang anak. Ipinagdiinan ni Dina—na matagal nang hiwalay kay Vic—sa bagong kasal na pahalagahan ang pangako nilang magmamahalan.

Nakaw-eksena rin siyempre ang pagsasama ng ex-lovers na sina Angel Locsin at Oyo Sotto, kapatid ni Danica. Kung wala man yung dating nilang sweetness, nandoon pa rin yung friendship at pagki-care ng binata sa dalaga.

Nang umulan kasi, biglang nagtatakbo si Angel kaya nang makita siya ni Oyo, pinaalalahan nitong magdahan-dahan at baka madulas.

Present din ang dalawa pang ex-girlfriends ni Oyo na sina Alessandra de Rossi at Anne Curtis sa kasal. Si Alex, na nagsilbing Bible bearer, ay naiyak habang ikinakasal ang kaibigan na si Danica.

Nagbigay-suporta naman ang buong Purefoods team na koponan ni Marc sa Philippine Basketball Association (PBA), maliban sa kontrobersiyal ngayon na si James Yap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi rin nakadalo sa kasal ang girlfriend ni Vic na si Pia Guanio dahil na-food poison daw ang TV personality noong araw na 'yon.

After ng wedding, sa Boracay nagtungo sina Danica at Marc para sa kanilang honeymoon.

Ang ilang kuha sa kasal nina Danica at Marc ay mapapanood bukas, March 10, sa Eat Bulaga!


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN