Luis Manzano defends mom Vilma Santos against detractors


"Kahit tanggalin yung pagiging artista ng Mom ko, siya pa rin ang gusto nilang tumakbo kasi nakita nila kung ano ang ginawa ng Mommy ko for Lipa and Batangas," proudly says Luis Manzano about Lipa City Mayor Vilma Santos.


Nitong linggo ay naging laman ng balita ang posibleng pagtakbo ni Lipa City Mayor Vilma Santos bilang governor sa lalawigan ng Batangas. Ito ay pagkatapos magpulong ang libu-libong mga tagasuporta niya noong Lunes, March 6, sa harapan ng Lipa City Hall, upang hilingin na tumakbo ang Star For All Seasons for governor. Ito ay sa kabila ng pagbibitiw ng salita noon ni Mayor Vi para magbigay-daan sa kanyang bayaw na si Batangas Vice Governor Ricky Recto na nagnanais ding tumakbo bilang gobernador.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa panganay na anak ni Vilma na si Luis Manzano ay nagbigay ng reaksiyon ang binata tungkol sa sitwasyon na kinahaharap ngayon ng kanyang ina.

"Personally, sa akin, gusto ko [siyang tumakbo] dahil alam ko ang nagawa ni Mommy para sa Lipa. Alam ko ring gustung-gusto ng mga Batangueño na mag-higher office siya. As a son, it's a different feeling na alam mo ‘pag may napasaya ang Mommy mo through movies, through TV. Nakakagawa siya ng mga daan, ng school, nagbibigay siya ng satisfaction sa mga nasasakupan niya. Kumbaga, iba ang feeling bilang anak," panimulang pahayag ni Luis.

"In terms sa mga plano niya, it doesn't matter either way na tumakbo siya for governor or kahit na anong position. Nandito lang ako lagi para suportahan siya. Ayokong magsalita kung tatakbo ba si Mommy o hindi. Let's just wait for the coming election and let the people decide," aniya pa.

Kalmado at hindi namin kinakitaan ng anumang pagkairita si Luis sa isyung ito. Pero nang tanungin kung ano ang gagawin niya kung sakaling darating ang punto na dahil sa masasakit na mga paratang kay Mayor Vi ay makita na niyang nasasaktan at umiiyak ang kanyang ina, isang pagbabanta ang binitawan ni Luis.



"Ibang usapan na ‘yan," mariin niyang sabi. "Kung umabot na sa point na talagang nanggagaling na sa isang tao, it's a different case. Yung mga ganung bagay, di na sinasabi, ginagawa na lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Kung sino yung maraming sinasabi, sila pa yung di gumagawa. Pero yung mga pinakatahimik, sila yung sincere. Ako, di ko na papadamihin pa ang sasabihin ko, gagawin ko na lang.



"Sa ginagawa nilang paninira sa Mommy ko, they can do better than that. Politics is not just about talks, it's about service. Dapat at the end of the day, tinitingan mo yung nagagawa mo sa tao, hindi yung kung ano ang sinasabi ng isang pulitiko towards other candidates.

"Matalino na ang mga tao ngayon. Siguro at this point, kahit before pa, kahit tanggalin yung pagiging artista ng Mom ko, siya pa rin ang gusto nilang tumakbo kasi nakita nila kung ano ang ginawa ng Mommy ko for Lipa and Batangas," pagmamalaki pa ni Luis.



Samantala, buo rin ang suportang ibinibigay ni Luis sa kanyang stepfather na si Senator Ralph Recto, na tatakbo for re-election. Si Luis ay anak ni Vilma sa first husband niyang si Edu Manzano.



"Same with Tito Ralph," sabi ni Luis. "Nasa itaas siya ng surveys kasi it only shows na ginagawa niya ang trabaho niya at may tiwala ang tao sa kakayahan niya."

Regular na mapapanood si Luis sa ASAP '07 at sa upcoming fantaserye na Rounin, both on ABS-CBN. Luis is also finishing a movie under Star Cinema, Ang Cute ng Ina Mo, with Anne Curtis and Ai-Ai delas Alas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN