Lani Misalucha not taking 'ASAP '07' seriously?


Lani Misalucha is staging a homecoming concert on March 17 at the Araneta Coliseum.


Patuloy na iniintriga ang malaking iginanda ni Lani Misalucha na nagbalikbayan kamakailan para i-promote ang kanyang self-titled album under Universal Records at ang Lani Misalucha... Missing You, Live in Manila concert na nakatakda niyang gawin at the Araneta Coliseum on March 17.

Ilang beses na ngang sinabi ni Lani na walang naganap na retoke at never siyang sumailalim sa surgery, pero marami pa rin ang ayaw maniwala. Sumusumpa ang tinaguriang Asia's Nightingale na walang surgery na ginawa sa kanya kundi ininiksyunan lang ang kanyang ilong para ma-enhance at tinurukan din ng vitamins ang palibot ng kanyang mata para mawala ang eyebags niya. Sinabi pa nga ni Lani na sa United States niya ito ipinagawa kaya medyo may kamahalan.

Sa pagbabalik ni Lani ay hindi lang ang hinihinalang pagpaparetoke niya ang kinailangan niyang sagutin kundi maging ang paglabas niya sa ASAP ‘07 ng ABS-CBN sa halip na sa GMA-7 kung saan isa siya sa main hosts ng SOP bago niya ipinasyang manirahan na sa Las Vegas, Nevada kasama ang asawa at dalawang anak noong 2004.

Katwiran naman ng 37-year-old singer na mas maganda ang offer ng Dos kaya ito ang pinili niya. Naniniwala rin siya na mas malawak ang exposure na maibibigay sa kanya ng ABS-CBN dahil sa TFC (The Filipino Channel, ABS-CBN's international cable channel) na napapanood sa lahat ng parte ng Amerika at maging sa Saudi Arabia, Japan, Australia, at iba pang bahagi ng mundo.

"ABS-CBN has a wider reach. I won't deny that it influenced my decision. Because, you know, kailangan natin yung kung alin ang mas makakabuti sa 'sangkatauhan," sey pa ni Lani sa mga nakaraan niyang interview.

And besides, limited engagement lang naman ang paglabas ni Lani sa musical variety show ng Dos dahil pagkatapos ng kanyang concert ay babalik na siya sa Las Vegas, Nevada.

Pero how true na kung masaya si Lani sa ASAP ‘07 ay kabaligtaran naman daw ang nararamdaman ng mga kasama niya sa nasabing Sunday musical variety show ng Dos?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa isang source ay imbiyerna raw ang ilang taga-ASAP kay Lani dahil sa halip na makatulong ay tila nakakasira pa sa show ang kilalang magaling na singer. Feeling daw kasi nila ay hindi sineseryoso ni Lani ang ASAP.

Sa katunayan, dalawang beses na umanong nadidismaya sa kanya ang mga viewers na nakapanood ng last two episodes ng ASAP '07. Nung una, hindi kinaya ni Lani ang sobrang taas na tono ng "Loving You" na kinakanta niya at sumablay ito. Pero dinaan na lang ni Lani sa pagpapatawa ang inabot na kahihiyan. Idinahilan nito na tanghali pa raw kasi.

Nang sumunod na Linggo, muling ginulat ni Lani ang kanyang mga tagahanga—at maging ang mga tao sa loob ng studio—nang sa kalagitnaan ng pagkanta ay biglang tumigil siya at inutusan nito ang banda na ulitin ang number dahil nahihirapan siyang basahin ang lyrics ng kanta sa monitor.

Ayon pa sa source, pakiramdam niya ay masyadong nagiging overconfident si Lani dahil alam nito na magaling siya kaya minamani-mani na lang nito ang mga numbers niya sa show. Si Lani ay regular na nagpe-perform sa sikat na Flamingo Hotel sa Las Vegas kasama ang Society of Seven.

"Akala mo kasi kung sinong magaling, ‘ayun nagkalat tuloy. Hindi porke't nagpe-perform na siya sa Las Vegas ay hindi na niya seseryosohin ang ASAP. Mahiya naman siya, 'no!" himutok pa ng source at idinagdag pa na mabuti na lang daw at isang buwan lang mapapanood sa nasabing show ang singer.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN