Wendell Ramos's third child baptized


Wendell Ramos chose to make the baptism of his youngest child a secret to the media and even to his showbiz friends.


Noong March 3 ay naimbitahan kami sa binyag ng anak ng dating aktres na si Bianca Lapus kay Jimmy Velasquez na si Exequiel Lawrence sa Sanctuario de San Antonio, Forbes Park, Makati.

Pagdating sa reception sa Bay 1 ay may nagbulong sa amin na may kasabay na reception ang binyag ng anak ni Bianca. Anak din diumano ng isang celebrity ang bininyagan kaya inalam namin kung sino ang tinutukoy na celebrity. Ayon sa nakarating sa aming balita ay sa ground floor ng Bay 1 ginanap ang reception at dalawang kuwarto ang kinuha para sa okasyon.

Wala kaming nakita ni isang celebrity sa nasabing lugar, pero may ilang saksi na nagsabing ang sexy actor na si Wendell Ramos ang nakitang punong-abala ng pagdiriwang. Kaya napagtanto namin na baka si Wendell ang sinasabing celebrity na nagpabinyag ng anak.

Sa ginanap na grand press con noong March 9, Biyernes, para sa pelikulang Happy Hearts ng Regal Entertainment, kung saan kasama sa cast si Wendell, kinumpirma ng aktor na totoong nagpabinyag siya ng kanyang anak sa non-showbiz girlfriend niya noong araw ring bininyagan ang anak ni Bianca.

Totoo bang inilihim niya ang binyag ng anak niya sa publiko?

"Hindi naman sikreto," sabi ni Wendell. "Actually, para wala lang issue. Para tahimik lang kasi personal na buhay namin 'yon."

Idinagdag din ni Wendell na wala siyang inimbitahan na taga-showbiz, kahit na ang mga kasama niya sa Bubble Gang, ang gag show niya sa GMA-7.



"Kasi nga, gusto kong i-personal lang. Alam kong public property kami, pero ang gusto ko ay malaman lang nila na may anak ako, that's it," paliwanag pa niya.

Inamin din ng aktor na may tatlo na siyang anak sa magkakaibang babae.

"Yung una ay si Wendell Saviour, 10 years old; 'yong pangalawa ay si Dedell Saviour, 7 years old; at 'yong bunso na apat na buwan ay si Tanya," pag-e-enumerate pa ni Wendell.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya pa, "Ever since naman, kasama ko 'yong pangalawa [kong anak] sa napangasawa ko before. Ito 'yong seven years old, pero itong bago [kong anak] ho, ito 'yong gift ko sa girlfriend ko."



"Hindi kami magkasama ngayon [ng girlfriend ko] dahil mayroon din siyang work. Basta right now, nagkakaroon kami ng respetuhan, may maayos kaming pag-uusap, nagkakaintindihan kami sa trabaho, naaalagaan nang maayos ng both parties 'yong bata. 'Yan na lang muna sa ngayon."



Nagbigay rin ng pahayag si Wendell tungkol sa mga ina ng dalawa pa niyang anak, ngunit hindi niya binanggit ang mga pangalan nito.

"Yong si 10 ay matagal nang nasa States 'yon, binatang-binata pa ho ako nang mangyari 'yon. Ngayon, 'yong sa seven naman, ito 'yong dati akong ikinasal. Annulled na ako doon. Simula noon ay wala na akong nakarelasyon," sabi ni Wendell na ang ibinigay na description sa ina ng kanyang mga anak ay ang edad ng mga anak niya.



Dagdag pa niya, "Kung mayroon man akong girlfriend ngayon na non-showbiz, na kung ano man ang marating namin o maging kami man later on in the future, 'yon na lang ho. Pero ngayon, di pa kami nagpa-plano as long as nagrerespetuhan kami at inaalagaan namin ang aming baby."



Sinabi rin ni Wendell na magkakasundo ang mga ina ng kanyang tatlong anak. Three years ago nga raw ay umuwi rito sa Pilipinas ang ina ng kanyang panganay na anak para magbakasyon.



"Yong seven [years old] lang ang nasa akin. Yung baby, minsan nasa akin and minsan naman, nasa Mom ng girlfriend ko. Just like right now, ‘pag may time ako, libre ako at nasa bahay ako, bonding kami [ng baby ko]."

Sa Happy Hearts ay ginagampanan ni Wendell ang papel ng isang gay stand-up comedian. Kasama niya rito sina Rustom Padilla, Shaina Magdayao, at Rayver Cruz.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN