Ryan Agoncillo renovates his parents's house


Ryan Agoncillo takes charge of the renovation of his parents' house as his gift to them.


Taliwas sa lumabas na balita na bahay nila ng girlfriend niyang si Judy Ann Santos kapag ikinasal na sila ang ipinapagawa ni Ryan Agoncillo, sinabi ng TV host-actor na bahay ng kanyang mga magulang ang ipinapa-renovate niya.

Ipinapaayos nga ni Ryan ang lumang bahay nila sa BF Homes, Parañaque bilang regalo sa kanyang parents. Ang nasabing bahay ng mga Agoncillo raw ang isa sa pinakaunang bahay na itinayo sa naturang lugar noong ‘70s pa.

"Medyo matagal na talaga yung bahay, kailangan na talagang ayusin. Regalo ko yun sa kanila," sabi pa ni Ryan.

Idinagdag din ni Ryan na saka nila pag-uusapan ni Judai ang plano nilang pagpapatayo ng sarili nilang bahay pagkatapos ng renovation ng ancestral house nila.

Isa sa pagkakaabalahan ni Ryan this year ay ang bagong season ng Philippine Idol ng ABC-5 at ang movie nila ni Judy Ann for Regal Entertainment Inc.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN