Vic Sotto fulfills his promise to Pia Guanio


His lady love wished that he quit smoking and Box Office King Vic Sotto did just that. This explains why the comedian is noticeably gaining some weight lately.


Tinupad ni Vic Sotto ang Valentine wish ng girlfriend niyang si Pia Guanio na mag-quit na sa paninigarilyo. Ipinahayag ni Pia ang wish niyang ito kay Vic sa S-Files nang magbakasyon ang dalawa sa States noong Valentine week.

Kung dati-rati ay kasama ng mga co-hosts niya sa Eat Bulaga! si Vic na naninigarilyo sa loob ng Artists Room ng Broadway Centrum, ngayon ay kailangan na nilang lumabas para manigarilyo.

Ito ang patunay na ayaw na talagang manigarilyo ni Vic, bilang pagtupad na rin sa kahilingan ni Pia sa kanya. Yun nga lang, halatang tumaba nang konti ang comedian dahil sa pagtigil niya sa kanyang bisyo.

Marami ang naniniwala na si Pia na talaga ang huling babae sa buhay ni Vic dahil sa kinakitaan ang Box Office King ng malaking pagbabago. Kung dati ay very private sa kanyang lovelife si Vic pagkatapos makipaghiwalay sa dati niyang asawa na si Dina Bonnevie, naging very open siya sa kanilang relasyon ni Pia pati na sa pagpapahayag ng kanyang nararamdaman.

Marami na rin ang nag-aabang sa kasal ng dalawa dahil pati ang mga anak ni Vic na sina Danica at Oyo ay boto kay Pia upang mapangasawa ng kanilang ama.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN