Jean Garcia buys a new house


"Malakas ang radar ko at madali kong ma-sense kung berde ba ang dugo ng lalake o hindi!" says Jean Garcia.



Masayang ibinalita ni Jean Garcia na may nabili na siyang bagong bahay sa Quezon City. Matagal din daw pinag-ipunan ni Jean ang naturang bahay after niyang masunugan ng bahay noon.



Sinabi ni Jean na naging mabait ang Diyos sa kanya dahil pagkatapos niyang masunugan ng bahay ay inakala niya na hindi na siya makakaahon pa. Pero dumagsa naman daw ang offers sa kanya sa TV at pelikula, pati na mga endorsements, kaya mabilis siyang nakapag-ipon.



"I feel so blessed kasi nga natupad na ang pangako ko sa mga anak ko na makakabili na ulit ang Mommy nila ng bahay," masayang sabi ni Jean.



Dagdag pa niya, "Yun naman ang naging goal ko kaya sobrang trabaho tayo parati. Basta may magandang work, sige, gawin at huwag nang mag-dalawang isip, di ba? Aba, marami diyan ang walang trabaho at madali akong mapalitan kapag nag-inarte pa ako! Kaya work lang nang work, mga kapatid!"



After Atlantika ay may gagawin ulit na TV show si Jean sa GMA-7, pero hindi pa raw siya sigurado kung ano ito. Pero nami-miss na raw ni Jean ang mag-taping.



"Sanay na kasi ang katawan natin na mapuyat at mapagod. Noong matapos nga ang Atlantika, medyo nakapagpahinga ako pero gusto ko na ulit mag-taping. Habang inaayos pa ang new show, heto raraket muna tayo sa movies," sabi pa ni Jean.

Kasama si Jean sa comedy movie na Happy Hearts ng Regal Entertainment. Ginagampanan niya ang ina ni Rayver Cruz, na ang ama ay ginagampanan naman ni Rustom Padilla na isang bading sa pelikula.

May nakatanso na ba kay Jean na bading?



"Naku, ako pa! E, malakas din ang pang-amoy ko! Bading din ako, di ba? Kaya malakas ang radar ko at madali kong ma-sense kung berde ba ang dugo ng lalake o hindi! Nakakaloka kayo! Ako pa ba ang paghinalaan ninyo?" natatawang sabi ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Para kay Jean ay mga mababait at talented people ang mga bading kaya karapat-dapat silang mahalin. Pero imposible raw na may makarelasyon siyang mas babae pa sa kanya kumilos.



"Pang-lalake lang talaga ang beauty ko, e. Marami akong gay friends at wala sa kanila ang nakarelasyon ko ng intimate, ‘no!" tawa pa niya ulit.

"Mag-compare notes na lang kami sa mga lalakeng dumaan sa buhay namin. Exciting pa ‘yon!" humahalakhak na sabi pa ni Jean bilang pangwakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN