StarStruck Avenger Jan Manual serious in courting Jesi Corcuera


"Basta ngayon, tina-try ko na makuha ang loob niya. Happy ako ngayon naclose kami, magkaibigan kami. Ayoko naman na biglain siya, baka ma-badtrip," says Jan Manual about courting Jesi Corcuera.



Matindi ang tama ni Jan Manual sa kapwa niya StarStruck 4 Avenger na si Jesi Corcuera, na openly lesbian. Aminado si Jan na challenge para sa kanya na gawing babae si Jesi, lalo pa't hindi pa raw ready ang huli.

"Noon pa gusto ko na talaga siya," pag-amin ni Jan na tubong-Laguna. Habang tumatagal ay paganda siya nang paganda. Nag-iiba rin ang aura niya."

Binibigyan ni Jan ng 75 percent chance ang kanyang sarili na mapapasagot si Jesi dahil 25 percent na lang daw ang pagiging pusong lalaki nito.

"Basta sinabi ko sa kanya, nandito lang ako. At sinusunod ko yung advice ng mga friends ko na ipa-feel ko sa kanya na babae siya," sabi pa ni Jan tungkol kay Jesi.

Dagdag pa niya, "Basta ngayon, tina-try ko na makuha ang loob niya. Happy ako ngayon na close kami, magkaibigan kami. Ayoko naman na biglain siya, baka ma-bad trip. Pikon kasi siya, madaling magalit kaya sinasakyan ko kung ano ang gusto niya. Right now, gusto niyang tropa kami, okay lang."

Inamin din ni Jan na nakapunta na siya ng bahay nina Jesi. Sa katunayan, ang parents pa mismo ni Jesi ang nag-invite sa kanya.

Samantala, hiningan din namin ng reaksiyon si Jan sa hindi pagkakasama nina Stef Prescott at Paulo Avelino sa Final 6 ng StarStruck The Next Level. Ayon kay Jan ay na-shock siya sa pagkakatanggal ni Stef.

"Ipinapakita niya kasi ang 100 percent effort niya. Magaling siyang kumanta at sumayaw. May ibubuga talaga si Stef kahit sa acting. Kumbaga, kumpleto siya so hindi ko talaga ini-expect na matatanggal siya," paliwanag ni Jan.

E, si Paulo, ini-expect ba niya na matatanggal din?

"Nung first, alanganin talaga ako kay Paulo. Sabi ko, kaya ba niyang tapatan si Mart [Escudero]? Alam naman natin na si Mart talaga, magaling sumayaw. Sa pagkanta naman, sina Aljur [Abrenica] at Prince [Stefan] talaga ang may boses. Paulo can sing, pero hindi niya talaga kayang tapatan yung level nina Mart, Aljur, at Prince," opinyon ni Jan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sino sa palagay niya ang dapat natanggal, instead of Stef?

"Okey lang na manalo si Rich [Asuncion] kasi may talent. Kung merong matatanggal, siguro si Jewel kasi hindi siya magaling kumanta," diretsong sagot ni Jan bilang pangwakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN