Shaina Magdayao defends sister Vina Morales


"Kung saan masaya ang ate ko, masaya na rin kami para sa kanya. Kamipo, buong pamilya namin, will always be here to support her," says Shaina Magdayao about her sister Vina Morales.



Natawa si Shaina Magdayao nang ipaalala namin sa kanya ang kanyang naging pahayag noon na ayaw niyang may manligaw sa kanyang ate na si Vina Morales—as in, ayaw nitong magkaroon ng boyfriend ang kapatid—dahil mawawalan daw ng oras sa kanya ang nakatatandang kapatid.



Kaya lang, nagbago ang pag-iisip ni Shaina nang nagdadalaga na siya dahil gusto na niyang magkaroon ng boyfriend ang kanyang Ate Vina. Takot daw kasi si Shaina na tumandang dalaga ang kanyang kapatid. Nasunod nga ang kanyang wish, pero ang nakuha naman ng kapatid niyang boyfriend ngayon ay nagdulot sa aktres ng kontrobersiya.

Although hiwalay na sa asawa ang boyfriend ni Vina na si Cedric Lee ay hindi pa annulled ang kanilang kasal. Dahil dito, inaakusahan si Vina na nang-aagaw ng pamilya. Sa pamamagitan ng isang liham ay ipinagtanggol ni Cedric si Vina.

"Kahit naman may problema, e, alam ko naman po na malalagpasan niya [Vina] 'yon. And kung yung guy na 'yon ang the right guy for her, sila po talaga ang magkakatuluyan," sabi ni Shaina sa press con ng Happy Hearts.



"Kung saan masaya ang ate ko, masaya na rin kami para sa kanya. Kami po, buong pamilya namin, will always be here to support her. Kahit ngayong lowest point ng life niya, nandito pa rin kami, buong pamilya, to support her. I'm very hurt kasi when people are judging her, e. Pinagpi-pray na lang po ng buong pamilya namin na malalagpasan po niya ang krisis na ito."



"Like what I always tell, as long as na kasama naman po niya si Lord sa kahit anong problema, malalagpasan niya 'yon. I love my sister. Tama o mali, I have to accept it," pangwakas na pahayag ni Shaina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN