Jed Madella reveals that he courted Rachelle Ann Go


"I had to step backward because, of course, there's something going onbetween Rachelle and Christian. Ayokong maging third party, na parangako pa ang sisira ng relasyon nila, so kusa na akong nag-backout," says Jed Madella (left photo).


Lingid sa kaalaman ng karamihan ay nanligaw rin pala ang singer na si Jed Madella sa kasamahan niya sa ASAP '07 na si Rachelle Ann Go. Ito rin ang dahilan kung kaya't nagkaroon ng gap sa pagitan ni Jed at ng boyfriend ngayon ni Rachelle na si Christian Bautista.

Ayon kay Jed, siya na mismo ang nagdesisyon na ihinto ang panliligaw kay Rachelle para hindi na lumaki ang kung anumang alitan na meron sila ni Christian.



"I had to step backward because, of course, there's something going on between Rachelle and Christian. Ayokong maging third party, na parang ako pa ang sisira ng relasyon nila, so kusa na akong nag-backout. Kumbaga, nag-sidestep na ako saka nakita ko talaga na their tandem and their loveteam really works," pahayag ni Jed sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) last Sunday, March 11, sa dressing room ng ASAP '07.



Aniya pa, "Rachelle and I are getting along really well. It was my choice to stop kasi di lang kami ang naging involved, pati ang management, and pati mga fans nag-aaway-away na. So sabi ko, ihinto ko na.

"Ako kasi, it's my nature na as much as possible para makaiwas sa gulo, ako na ang gagawa ng paraan. To save all of us from the problem, I decided to stop na lang muna. Then I noticed na we're better off as friends, para walang pressure."

Aminado si Jed na bukod sa kanila ni Christian ay marami rin ang nakapansin sa pag-iiwasan nilang dalawa, lalo pa't magkasama sila sa show.

"Before, it was really obvious," sabi ni Jed. "People ask me kung may away daw ba kami ni Christian, kung may tampuhan. Sabi ko, may ilangan kasi siyempre I get involved with whatever's going on.



"During that time kasi, people are starting to talk and feeding them information. So nagkaroon kami ng gap ni Christian, hindi kami nagkikibuan. ‘Hi, hello,' parang ganun na lang. Nagkakailangan, pero after we cleared things up, we talked to each other. Tingin ko, mas okay na kami ngayon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung saka-sakali bang hindi magkatuluyan sina Rachelle at Christian ay liligawan ba ulit ni Jed ang dalaga?



"I don't know," sagot niya. "It depends on that moment. But as of now, if you ask me right this moment, huwag na muna, because I'm enjoying myself being Rachelle's friend. Mas kumportable akong ganito muna. If something comes out na magbe-break nga sila at babalik ako sa panliligaw, tapos magkaka-gap na naman kami ni Chrsitian—which I don't want—huwag na lang."



Samantala, isa rin sa hindi mamatay-matay na patuloy na ipinupukol kay Jed ay ang gender issue tungkol sa kanya. Ayon kay Jed, ipinagkikibit-balikat at binabalewala na lang daw niya ang intrigang ito sa kanya.



"Ganyan naman talaga dito [sa showbiz]. Most of the actors and singers, ganyan ang issue na ibinabato sa kanila. Sa akin kasi, as long as you know yourself, na hindi totoo ang ini-issue sa ‘yo, I don't care at all. I know myself more than anybody else," diretsong sagot ni Jed.

Sa kasalukuyan ay tinatapos ni Jed ang kanyang bagong album. Magkakaroon din siya ng concert on April 28 sa Mall of Asia. Sa last week of July naman ay lilipad siya patungong Hollywood upang maging guest at judge sa World Championship of Performing Arts, kung saan siya ang naging grand prize winner noong 2005.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN