Gerald Madrid clueless on the current status of his relationship with Alma Moreno

by Nerisa Almo
Mar 13, 2007
Gerald Madrid is not sure if there's any way he can still do to save his relationship with Alma Moreno. When asked if he's willing to give it a second chance, he says, "After election? Pagkatapos mo akong paghintayin?" The actress is currently busy with her election campaign activities.

Mismong ang aktor na si Gerald Madrid ay hindi maipaliwanag kung ano na ang tunay na estado ng relasyon nila ng aktres na si Alma Moreno.

"Hindi ko rin alam kung ano na ako, kung saan ako lulugar. Ang status ko ngayon, parang floating ako, e. Hindi ko alam, as in hindi ko talaga alam," pahayag ni Gerald sa taped interview ng S-Files sa kanya noong Marso 11.

Ayon pa kay Gerald, matagal na silang walang komunikasyon ni Ness (palayaw ni Alma Moreno) simula nang maging abala ang aktres para sa pangangampanya nito bilang konsehal para sa isang distrito sa Parañaque. Bunsod nito, unti-unti umanong nawawala ang komunikasyon nila ni Ness.

"Since November, hindi kami nagkikita kasi naging busy siya [sa eleksyon]. Our relationship is parang pahinga muna or suffer, parang ganun. Hindi ko ma-explain..." sabi pa ni Gerald.

Samantala, pinabulaanan naman ni Gerald na maaring third party ang naging sanhi ng panlalamig ni Alma sa kanya. "Walang ganung factor. Noong pumasok ako dito sa relation, hindi ako nag-isip o sumubok magkaroon o gumawa ng kasalanan kay Ness. Oras lang ang nawala, hindi naman pagmamahal ang ninakaw sa amin, e. Oras ang nawala sa aming dalawa," pagpapaliwanag ni Gerald.

Continue reading below ↓

Dahil sa mga pangyayari, parang nawawalan na ng pag-asa si Gerald na muli pang manumbalik ang kanilang pagsasama ni Alma.

"Hindi ko alam kung hanggang doon na lang talaga. Mahirap naman siguro kung pipilitin pa," malungkot na pahayag ni Gerald.

Patuloy pa niya, "Hindi pa natin alam, pero basta sa akin, sinabi niyang tapos na. Kasi ganun 'yong tao na 'yon—kapag ayaw niya, sinabi niyang tapos na, tapos na."

Nang tanungin kung ano ang gagawin niya sakaling balikan siya ni Alma matapos ang eleksyon, ito ang naging sagot ng aktor: "After election? Pagkatapos mo akong paghintayin?"

Read Next
Read More Stories About
Alma Moreno, Gerald Madrid
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gerald Madrid is not sure if there's any way he can still do to save his relationship with Alma Moreno. When asked if he's willing to give it a second chance, he says, "After election? Pagkatapos mo akong paghintayin?" The actress is currently busy with her election campaign activities.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results