Dennis Trillo portrays another gay role


Although Dennis Trillo vowed not to accept gay role again after his award-winning performance in Aishite Imasu, the young actor is once again playing a gay role in a Holy Week TV special.



Nabanggit dati ng young actor na si Dennis Trillo na hindi na muna siya tatanggap ng gay role sa movies o maging sa TV pagkatapos ng Aishite Imasu (2004) na nagbigay sa kanya ng acting awards sa halos lahat ng award-giving bodies. Pero tila binawi na ni Dennis ang kanyang sinabi.

Sa nakarating na balita sa PEP (Philippine Entertainment Portal), tinanggap na raw ng young actor ang Holy Week TV special ng TAPE, Inc. (producer din ng Eat Bulaga!) na Unico Hijo. Hindi lang daw simpleng bading ang role ni Dennis dito kundi mag-aayos babae at magdadamit-babae pa siya, na ginawa na rin niya noon sa Aishite Imasu.

Ang mga dahilan daw kaya nagbago ang isip ng matinee idol at tinanggap niya ang Unico Hijo ay si Mr. Tony Tuviera ng TAPE Inc., ang pagkakataong makatrabaho ulit ang veteran actor na si Eddie Garcia (na nakasama ni Dennis sa Blue Moon at Darna), ang napakagandang story at role niya, at ang panata niya.



Napag-alaman ng PEP na may panata si Dennis na gumawa ng Holy Week special every year. Naniniwala raw kasi ang young actor na malaking bahagi ng tagumpay niya ngayon nang gawin niya noong 2004 ang Angel Villa na produced din ng TAPE, Inc. After this daw kasi ay dumating ang Mulawin, Darna, Majika, at ang toprating ngayon sa GMA-7 na Super Twins, bukod pa sa mga pelikulang ginawa niya.

Bukod sa Angel Villa, ang iba pang Holy Week TV specials na tinampukan ni Dennis ay ang Sa Kamay ng Diyos noong 2005 at ang Sa Ngalan ng Anak noong 2006.



Samantala, kagabi, March 12, ay ini-launch ang debut album ni Dennis under Indi Music na pinamumunuan nina Regine Velasquez, Leo Dominguez, at Ogie Alcasid. Maganda ang feedback ng tao sa 12-track album niya na may seven original compositions plus remakes.

Ang "All Out of Love" ng Air Supply—na theme song ng TV commercial ng isang sanitary napkin na nilabasan ni Dennis—ang carrier single ng album. Narito rin ang duet nila ni Regine na "Magtatagpong Muli."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN