La Vista house of Kris and James costs P50 million?


"Mahilig akong magluto and one of my favorite pastimes is to cook. Enjoy talaga ako sa kusina. Last Christmas, Salad Master ang regalo ko sa sarili ko. At sa bini-build naming house, ang kitchen ang pinakamahal," said Kris Aquino during a press con for a product that she endorses.



Isang source ang nag-report sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na hindi sa Valle Verde, gaya ng unang naibalita, ang ipinapatayong bahay ng mag-asawang Kris Aquino at James Yap kundi sa La Vista. Mas tahimik at exclusive daw kasi ang gated subdivision na ito sa Quezon City at karamihan sa nakatira ay ang tinatawag na old rich.



Ayon pa sa source, dalawang lote diumano ang binili nina Kris at James na pinatayuan ng kanilang bahay na tama lang daw sa growing family nila. Maganda raw ang bahay at malapit nang matapos.



Kung paniniwalaan ang balita, aabutin ng P50 million ang ipinapatayong bahay nina Kris at James, kasama siguro ang dalawang lote. Naalala ng PEP ang sinabi ni Kris sa presscon ng Maggi Magic Sarap na ang kitchen ang pinakamalaki ang floor area at pinakamahal na parte ng bahay nila.



"Mahilig akong magluto and one of my favorite pastimes is to cook. Enjoy talaga ako sa kusina. Last Christmas, Salad Master ang regalo ko sa sarili ko. At sa bini-build naming house, ang kitchen ang pinakamahal," kuwento pa ni Kris during the press con.



Ipinagmalaki pa ni Kris na kapareho raw ng kitchen nina Pope Benedict XVI, George Clooney, at Julia Roberts ang ayos ng kanyang kitchen.



Ang hindi nabanggit ng source ng PEP ay kung may swimming pool ang bahay na siyang request ni Joshua, at kung may basketball court para naman kay James.



Samantala, nagiging paborito ng mga artista—lalo na ang ABS-CBN talents— na tumira sa La Vista at sa katabi nitong Loyola Grand Villas. Sa La Vista rin nagpatayo ng bahay ang mag-asawang Claudine Barretto at Raymart Santiago.



Sa Loyola Grand Villas naman nagpagawa ng bahay si Jericho Rosales at dito rin nag-rent ng bahay si Piolo Pascual. May bahay rin sa nasabing exclusive subdivision si Raymart at, kung hindi pa ito naipagbibili, ang sister-in-law niyang si Gretchen Barretto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN