Rayver flattered to be compared to John Lloyd


"Tuwing magkasama kami ni Kuya John Lloyd, lagi siyang may advise saakin. Ako naman, nakikinig kasi alam kong marami siyang puwedengi-share sa akin," says Rayver Cruz (left) about his idol, John Lloyd Cruz.



Naikukumpara si Rayver Cruz kay John Lloyd Cruz dahil halos pareho raw ang career path nila. Bukod sa pareho sila ng apelyido—although hindi sila magkamag-anak—ay halos magkasing-tangkad at magka-boses pa sila kaya minsan daw ay napagkakamalan si Rayver na si John Lloyd ng ibang fans.



Ayon kay Rayver, okay lang daw na ma-compare siya kay John Lloyd dahil idol daw niya ito. Ilang beses na raw silang nagkasama at nababaitan daw siya kay John Lloyd.



"Tuwing magkasama kami ni Kuya John Lloyd, lagi siyang may advise sa akin. Ako naman, nakikinig kasi alam kong marami siyang puwedeng i-share sa akin. Lagi niyang sinasabi na mahalin ko ang trabaho ko kasi minsan lang ito dumating kaya kailangan kong alagaan. Huwag daw ako magpapatalo sa mga chismis kasi bahagi lang daw ‘yon ng pagiging artista. Kung nagpaapekto ako, ako raw ang talo," kuwento ni Rayver.



May advise din ba si John Lloyd sa kanya tungkol sa mga babae?



"Respetuhin ko raw ang mga babae at mahalin," nakangiting sabi ni Rayver. "Hindi ko raw dapat sinasaktan ang babae. Kapag sinaktan ko raw kasi ang babae, parang sinaktan ko na rin ang mommy ko at ang iba pang babae sa pamilya namin. Sabi ko naman, malaki ang respeto at pagmamahal ko sa mga babae."



Samantala, two months nang nanliligaw si Rayver sa kanyang ka-loveteam at leading lady sa Happy Hearts na si Shaina Magdayao. Willing daw maghintay si Rayver na sagutin siya ng dalaga.



"Pormal naman akong nagpaalam sa parents ni Shaina na manliligaw ako at pakiramdam ko naman ay okey lang sa kanila. Mababait sila Tita Deanna at Tito Ike. Sa palagay ko, tanggap naman nila ako," positibong pahayag pa ni Rayver bilang pangwakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN