Ogie reveals his "baby" with Regine


Business partners (and rumored sweethearts) Ogie Alcasid and Regine Velasquez produce the debut album of matinee idol Dennis Trillo.



Late nang dumating si Ogie Alcasid sa album launch ng first recording artist ng IndiMusic na si Dennis Trillo kagabi, March 12, sa Virgin Café. Hindi na naabutan ng singer-songwriter kung paano pinagkaguluhan ng mga fans si Dennis.



Gustuhin man daw ni Ogie na makarating in time for the launch, nanggaling pa raw siya sa taping ng Bubble Gang. Pero just the same ay masayang-masaya si Ogie dahil unang venture nila ng business partner (at rumored girlfriend) niyang si Regine Velasquez ang debut album ni Dennis.

Ilang buwan din daw kasi nila itong pinagpuyatan at ngayon ay lalabas na sa lahat ng major record stores ang tinawag ni Ogie na "baby" nila ni Regine. "Baby in the sense na ito ang unang venture namin ni Regine as record producers. Kayo talaga, malicious kayo!" sabay tawa ni Ogie.

"Dapat pupunta rin si Regine, pero may iba siyang commitment ngayon kaya humabol na lang ako. Sayang at di ko nakita ang performance ni Dennis, but I'm sure he's good kasi tuwing Sunday sa SOP, maraming girls ang kinikilig at hinihimatay kapag kumakanta siya. Kaya okay lang kung siya naman ang pagkaguluhan at backup na lang kami ni Janno Gibbs!" biro pa niya.



Ayon pa kay Ogie, okay lang daw na late siyang dumating dahil baka makaagaw pa raw siya ng eksena. Moment daw ‘yon ni Dennis kaya dapat lang na walang makaagaw dito.



"Dennis is such a hardworking person and he deserves all the attention and the scream of his fans. Pati nga ako humahanga nang husto sa kanya. Fan na rin ako ni Dennis!" tawa ulit ni Ogie.



"Seriously, tama ang pagpili namin kay Dennis as our first recording artist kasi alam naming magiging bestseller ang album niya. I don't want to predict anything, kung kailan ito maggu-gold or magiging platinum. Let's just see what happens kapag nasa mga stores na ito," sabi pa ni Ogie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Ibinalita rin ni Ogie na may isa pa silang singer na isa-sign up for IndiMusic. Pati raw albums nila ni Regine ay sa naturang label na rin ire-release.



"Marami kaming surprises this year kaya abangan pa nila ang ibang magiging recording artists ng IndiMusic," promise pa ni Ogie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN