Dennis Trillo neither denies nor confirms Carlene Aguilar's pregnancy


"Ayokong i-confirm o ano kasi kilala ko naman yung tao. Alam ko na yungmga puwede niyang gawin at alam ko ang mga hindi niya puwedeng gawin," says Dennis Trillo about the rumor that Carlene Aguilar is pregnant.



Ayon kay Dennis Trillo, wala pa rin silang komunikasyon ng beauty queen na si Carlene Aguilar hanggang ngayon. Ito ay sa kabila ng lumabas na balita na buntis diumano si Carlene, Bb. Pilipinas-World 2005, courtesy ng rumored boyfriend nitong si Dennis.

"Hindi pa, e. Hindi ko pa rin siya nakakausap hanggang ngayon," pahayag ni Dennis sa Philippine Entertainment Portal kahapon sa launch ng self-titled album niya sa Virgin Café sa Tomas Morato.

Kung noon ay idinenay ni Dennis ang balitang buntis si Carlene, ngayon ay tila hindi na sigurado ang matinee idol nang tanungin kung buntis nga talaga si Carlene?

"Hindi ko alam. Hindi ko sure," sagot niya.

Pero puwedeng buntis nga si Carlene?

"Hindi ko alam, ayoko lang magsalita."

Hindi niya ba dini-discount ang possibility na puwedeng pregnant nga si Carlene?

"Posible siguro... Hindi ko alam, wala talaga akong alam."

Hindi ba siya nag-attempt na kausapin si Carlene about this?

"Hindi e, ayoko kasing.... Kasi, unang-una, nung unang lumabas yun, tinawanan ko lang yun. Ayokong i-confirm o ano kasi kilala ko naman yung tao. Alam ko na yung mga puwede niyang gawin at alam ko ang mga hindi niya puwedeng gawin."

Pero posible na buntis ito?

"Hindi ko alam. Ayoko na lang magsalita, huwag na lang nating pilitin, 'di ba?" pag-iwas pa niya.

Kung halimbawang buntis nga si Carlene, mapapanindigan ba niya ang pagiging ama sa bata?

"Kung ako yung ama! Pero kung hindi, 'di ba? Bakit ‘yan ang tinatanong ninyo, wala namang koneksiyon ‘yan sa pagri-release ko ng album, e!" natatawa niyang sabi.

Did he ever ask Carlene kung ano ang totoo?

"Hindi ko pa siya nakakausap talaga. Ganun lang kasimple ‘yun."

Wala ba siyang balak kausapin si Carlene?

"Hindi kasi, hindi naman kami! Wala naman kaming... Hindi naman kami official na ano, di ba? Magkaibigan kami, pero hindi kami. Matagal na kaming hindi nag-uusap. Huling usap ko nga sa kanya, nung February pa, nung Valentine's day."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kahit text, puwede niyang tanungin kung totoong buntis si Carlene, 'di ba?

"Hindi, kasi mas maganda siguro kung ano... Ayoko naman yung ako ang magsasabi. Hindi ko naman alam, e, 'di ba? Bakit hindi siya ang interbyuhin ninyo, 'di ba? Hindi ko talaga alam."

So wala siyang dine-deny or kinu-confirm about Carlene's condition?

"Wala, kasi hindi ko alam. Ganun lang kasimple yun."

Carrier single ng self-titled debut album ni Dennis ang "All Out of Love." Kasama rin ang mga songs na "Lumilipad," ang version ni Dennis ng "Love Is All That Matters," "Magtatagpong Muli" (duet with Regine), "Her Smile," "Mangarap Lang," "All That I Know," "Tanga," "Sayaw Sa Hangin," "Kung," at "Para Sa Iyo" na isinulat mismo ni Ogie. Produced ito ng IndiMusic nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN