Mylene says she cannot match Paolo's love for her


"Ayoko ko kasing magpatali. Takot ako, e," says Mylene Dizon.



After her guesting sa daily morning show ni Boy Abunda na Homeboy, nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Mylene Dizon. Inamin ng aktres na hindi siya ang tipo ng babaeng magpapatali sa isang lalaki o magsusuot ng wedding gown at magmamartsa papunta sa altar para makipagpalitan ng "I do" sa kanyang mapapangasawa.

"Wala pa sa puso ko ang magpakasal, e," sabi ni Mylene. "Ayoko ko kasing magpatali. Takot ako, e. Siguro dahil sa mga nangyayari sa paligid ko na hindi kanais-nais. Natatakot akong mangyari 'yon sa akin.



"Dismayado kasi ako kapag nalalaman kong may nagdi-divorce. Ayokong mag-divorce, ayaw kong ma-divorce," diin niya.

"Siguro mataas lang ang respeto ko sa kasal. Ayoko siyang gawing pabigla-bigla pagkatapos ‘pag nagkamali, ‘sorry hiwalay tayo, divorce tayo.' Ayoko kasi ng ganun, e," paliwanag pa ni Mylene.

Inamin din ni Mylene na noong buntis siya sa anak niyang si Thomas ay nagparamdam daw ang ama ng kanyang dinadala na si Paolo Paraiso na gusto siyang pakasalan, pero hindi raw ito direktang nag-offer ng kasal.



"Wala namang offer kahit before I got pregnant," sabi ni Mylene. "He knew that I'm not the type, although nabanggit niya na parang gusto ng mga magulang niya na ayusin namin ang relasyon namin. Pero I have to explain to him, wala pa sa puso ko ang magpakasal. If there's something that I would like to keep sacred is marriage."



Naniniwala si Mylene na hanggang ngayon ay mahal pa rin siya ni Paolo, pero hindi raw niya kayang pantayan ang pagmamahal nito sa kanya.

"He's just so nice and I know he loves me and our son very much, but I don't deserve it. Hindi ko kayang pantayan ang pagmamahal niya. Maybe in God's time," pagtatapos ni Mylene.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN