Lorna Tolentino asks for prayers for husband Rudy Fernandez


"Nagugustuhan niya talagang kumanta ngayon, simula noong mag-concert sila nina Senator Jinggoy Estrada, Senator Bong Revilla, at Phillip Salvador... Ang paborito niyang kantahin, yung ‘I'm A Tiger,'" narrates Lorna Tolentino about her husband Rudy Fernandez.



Kahit early morning, very beautiful pa rin ang multi-awarded actress na si Lorna Tolentino nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa blessing and inauguration ng 13th branch ng Forever Flawless sa SM Lipa City, Batangas, last Friday, March 9.

Napansin ng PEP na mas slim yata si LT ngayon. Nagre-reduce pa rin ba siya?

"Mas marami akong dapat intindihin ngayon kesa pagre-reduce," nakangiting wika ni LT. "Kumakain na nga ako ng rice ngayon, brown rice nga lang, because I need strength. Kumakain na rin ako ng wheat bread.

"Mahirap din kasing mag-maintain ng diet kaya in moderation na lang ang pagkain ko. May times kasi na parang gusto mong kumain, pero hindi puwede dahil may sinusunod kang diet. Iniingatan ko na lang kung ano ang kakainin ko para hindi ako tumaba," paliwanag pa ng actress-TV host.

Kinumusta namin kay LT ang husband niyang si Rudy Fernandez, na sa ngayon ay may recurrence ng kanyang cancer sa stomach. Hindi nagbigay ng detalye ang aktres tungkol sa kalagayan ng asawa, maliban sa "he's okay" na tugon nito.

Patuloy ni Lorna, "Nagugustuhan niya talagang kumanta ngayon, simula noong mag-concert sila nina Senator Jinggoy Estrada, Senator Bong Revilla, at Phillip Salvador. Kumuha nga kami ng magtuturo sa amin, si Annie Quintos ng The Company. Isa-isa ang mga songs na itinuturo sa kanya, pero ang paborito niyang kantahin, yung ‘I'm A Tiger.'

"Mas mahigpit ang bonding ng buong pamilya ngayon. Ralph is graduating this October from his course, Psychology and Filmmaking. Si Renz, nasa second year na ng kanyang Interdisciplinary Studies in St. Paul's University. Ako naman, after ng StarStruck 4, may Startalk pa naman ako. Salamat sa inyo, at siguro hihingi na lang ako ng prayers sa inyo."

Naitanong din namin kay LT kung sang-ayon siya na i-remake ang kanyang mga lumang pelikula. Isa kasi sa dati niyang movie, ang box-office hit na Sinasamba Kita ng Viva Films—kung saan nakasama niya sina Vilma Santos, Christopher de Leon, at Phillip Salvador—ay isinalin na rin sa TV sa pamamagitan ng Sine Novela ng GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa katunayan, nagsimula na ngang mag-taping ng Sinasamba Kita sina Sheryl Cruz (dating role ni Vilma) at si Valerie Concepcion (role ni Lorna). Naroon din sina Wendell Ramos (role ni Christopher de Leon) at si JC de Vera (role ni Phillip Salvador).

"I have nothing against JC, dahil nakita ko na rin siyang umarte, pero sana ay kasing-age na rin ni Wendell ang nag-portray ng dating role ni Ipe [Phillip]. Okay naman si Valerie to portray my role, at happy ako na si Joel Lamangan ang magdidirek nito. Si Eddie Garcia ang nagdirek ng movie namin noon," sagot ng multi-awarded actress.

Idinagdag pa ni Lorna na payag din siyang i-remake ang iba pa niyang mga pelikula, gaya ng Diosa, Dulce Amor, Init Sa Magdamag, at Maging Akin Ka Lamang. Sinu-sino naman ang gusto niyang gumanap sa mga nasabing pelikula kung sakaling i-remake ang mga ito?

"Sa Diosa, siguro si Angel Locsin ang bagay sa role. Nasa face niya ang pagiging innocent and naïve. Sa Dulce Amor, bagay ‘yon kay Angelica Panganiban. Sa Init Sa Magdamag naman, babagay ‘yon kay Katrina Halili," pag-e-enumerate pa ni Lorna.

Sino naman ang gusto niyang gumanap sa role niya sa Maging Akin Ka Lamang, ang unang pelikulang nagbigay sa kanya ng karangalan bilang mahusay na aktres.

"Parang mahirap, hindi ko alam kung sino ang babagay," aniya.

Bakit hindi siya tutol na i-remake ang kanyang mga pelikula?

"Hindi ako against i-remake ang mga movies ko kasi minsan na rin akong nag-remake ng movie, ang Patayin Sa Sindak Si Barbara. Nagpapasalamat nga ako na hindi tumanggi si Ms. Susan Roces na ipagawa yun sa akin," paliwanag ni Lorna.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN