Ai-Ai delas Alas says she will not apologize to James Yap


Ai-Ai delas Alas allegedly said to friend Kris Aquino in jest, "Isoli mo muna si James sa Nanay niya." This joke irked the fans of James Yap and they are asking the comedienne to apologize to the basketball cager.


Visible na naman si Ai-Ai delas Alas because of her newest movie from Star Cinema, ang Ang Cute ng Ina Mo, which she co-stars with Luis Manzano, Anne Curtis, Eugene Domingo, John Lapus, DJ Durano, Vince SaldaƱa, and Nikki Bacolod. The film is under the direction of Wenn Deramas. Magbubukas ito on Black Saturday nationwide.

Sa ngayon, wala munang regular TV show sa ABS-CBN si Ai-Ai dahil hindi natuloy ang pag-replace niya sa kaibigang Kris Aquino sa Sunday showbiz talk show nitong The Buzz.

Bagama't nai-announce niya prematurely na siya nga ang papalit kay Kris, dahil nag-usap siya at si Kris tungkol dito, inamin ni Ai-Ai na may konting pagkakamali rin siya dahil nakapagsalita agad siya without waiting for the final call from the management and her manager Boy Abunda.

Slightly hurt man daw siya dahil in-expect niya ang hosting job na ito, Ai-Ai knows there are bigger things to focus on. Hindi niya na rin daw ito hahabulin at ang manager na niya ang bahala. So kung hindi nga sa kaniya, huwag na raw ipilit.

Kung behaved man si Ai-Ai sa pagsagot sa isyung ito, naging iritable naman siya nang nakarating sa kaniya ang balitang pinag-a-apologize siya ng mga fans ni James for the joke she made to Kris.

Diumano, sinabi ni Ai-Ai na isoli raw muna ni Kris si James sa nanay nito dahil sa gulo sa kanilang dalawa.

Joke lang daw ito between friends. Sinabi niya raw ito to cheer up her friend, to make Kris's day daw, and Kris herself took it as a joke. So bakit kailangan niyang mag-apologize sa mga fans ni James?

Wala raw pakialam si Ai-Ai sa gusot na nangyayari sa mag-asawa at wala rin siyang pakialam sa mga fans ni James who cannot take a joke.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN