Luis Manzano justifies his butt exposure


Aside from his two butt exposures in the comedy film Ang Cute ng Ina Mo, Luis Manzano (left) also has a Brokeback Mountain-inspired scene with newcomer Vince Saldaña.



Sinabi ni Luis Manzano sa press conference ng pelikulang Ang Cute ng Ina Mo last March 13 sa 9501 restaurant ng ABS-CBN na may mala-Brokeback Mountain scene daw sila ng newcomer na si Vince Saldaña sa pelikulang pinagbibidahan ni Ai-Ai delas Alas. Ayaw mag-elaborate ni Luis kung anong eksena ang tinutukoy niya. Basta dapat daw itong abangan ng mga viewers.

Ang Brokeback Mountain ang 2005 Oscar-winning film ni Ang Lee starring Oscar nominees Heath Ledger and Jake Gyllenhaal. Tungkol ito sa dalawang cowboys na nagkaroon ng love affair na tumagal ng ilang dekada, mula noong binata sila hanggang sa magkaroon sila ng asawa't mga anak.

Bukod sa Brokeback Mountain scene, may dalawang butt exposures din daw si Luis sa Ang Cute ng Ina Mo. Paano siya napapayag na gawin ang nasabing mga eksena?

"Mahirap ang buhay ngayon,"pabirong wika ni Luis, "saka nasa eksena. Either ipakita ko or hindi ako babayaran. Nakalagay sa kontrata, e."



Mas seryoso, sinabi ng anak ni Vilma Santos at Edu Manzano, "Maayos naman lumabas ang eksena. Nakita ko na, nai-dub ko na ang eksena. Ayokong sabihin na artistically done, pero ang cute ng pagkakagawa."

Kung sakali at talagang kailangan, hindi kaya hindi butt lang ang ipakita ni Luis sa susunod niyang movie?



"Wala tayong magagawa. Kailangan din naman nating kumayod. Kailangan nating magtrabaho dahil may mga mahal tayo sa buhay. Wala naman akong pamilya. It depends. You'll never know kasi, I'm sure, aminin natin, yung mga sumasayaw ngayon na naghuhubad, never nila sinabi noong ipinanganak sila na gusto nilang maging ganoon. Siguro nagkaroon ng opportunities and chances kaya napunta sila roon," paliwanag ni Luis.



Hindi pa raw alam ng ina ni Luis na may butt exposure siya sa Ang Cute ng Ina Mo. Hindi raw siya sure kung nabanggit niya ito sa kanyang Mommy.

Ayon pa kay Luis, mayroon pa raw siyang isang sexy shot which ends in comedy rin at kasama raw dito yung butt exposure niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"It doesn't have that sexy connotation to it na tulad ng ginawa ko sa Cosmopolitan dati, na talagang inirapan ako ni Mommy. Ipinakita ko kasi sa kanya yung polaroid shot ng kuha sa Cosmo. Yung isang shot, nakaharang yung controversial door. E, yung isang shot, medyo revealing talaga. E, wala akong plaster doon. Siyempre, yung isang shot, medyo dinaya na and in-air brush na. Pero yung test shot, mas kita talaga kasi sa ibang side, naroon ang kamay ko. Sabi ni Mommy, ‘Ano ito? Anak, hindi naman ito kailangan," kuwento niya.



Bakit siyang pumayag na gawin ang eksena sa movie?

"It was done with a lot of comedy. Hindi siya butt exposure na pang-R-18. Hindi ito nang-aakit. It was a butt exposure para magpatawa," wika ni Luis.



So kung butt exposure na pang-R-18, ibang usapan na ba ‘yon?



"I don't want to sound like any other person na typical na 'basta artistic,'" sabi niya. "We do have to admit na mayroon talagang mga script na talagang magaganda na kailangan ng butt exposure. Ano ba yung butt exposure? Ang daming actors sa Hollywood na nagpapakita ng puwet, na ang gaganda naman talaga ng eksena. So basta tama ang script."

Dagdag pa ni Luis, "MTRCB [Movie and Television Review and Classification Board] na ang bahala kung R-18. Hindi ko sure kung may butt exposure ay automatic R-18 na ang rating ng movie. I have no idea. But honestly, 'pag maganda ang script, why not?"

Sa palagay kaya ni Luis ay panonoorin ni Mayor Vi ang movie niya?

"Sana, kasi doon sa premiere ng All About Love ay pinanood niya. Automatic paglabas niya ng sinehan, she congratulated me and Anne [Curtis, partner niya sa movie]. So I hope na naroon siya. I am sure magugustuhan naman niya ito," sabi niya, na ang tinutukoy ay ang trilogy movie na tinampukan ni Luis last year.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil campaign period ngayon at alam na nating lahat na tatakbo para gobernador si Mayor Vi sa Batangas, at tumatakbo rin for re-election ang kanyang stepfather na si Senator Ralph Recto, sino ang ikakampanya ni Luis sa dalawa? Kanino siya sasama sa paglilibot during the campaign period?

"Tinanong nila ako, pero it's the time talaga. I don't want naman to sound heartless, pero I don't really have time. Ang Rounin kasi, eere na kasi. Marami kaming kailangang tapusin and my Mom understands that. Pero siyempre, I would love to campaign for her. Sinabi ko naman na the moment magkaroon ng bakante sa schedule ko, I will be there," pagwawakas ni Luis.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN