PDA graduates and ex-lovers Jay-R Siaboc and Iya Ginez meet again


Iya Ginez admits that it was Jay-R Siaboc who broke up with her. "Nagulat po ako noong siya ang nakipag-break. Naisip ko na lang na bakanga mas mabuti yung walang iniisip na iba si Jay-R kundi ang careerniya," says Iya.



Sa pictorial para sa company profile ng Pinoy Dream Academy (PDA) scholars kahapon, March 14, sa PDA Concert Hall, ay muling nagkasama ang dating magkarelasyon na sina Jay-R Siaboc at Iya Ginez.



Marami ang nakapansin na hindi raw masyadong nagkikibuan ang dalawa during the pictorial, ngunit nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sina Jay-R at Iya ay pinabulaanan nila ito.



"Nag-usap naman po kami kanina," sabi ni Iya na malaki ang pagkakahawig sa young actress na si Michelle Madrigal. "May communication naman po kami ni Jay-R, kahit na nag-break po kami. Wala naman kaming naging problema kasi para rin naman ito sa career naming dalawa."



Inamin ni Iya na si Jay-R ang nakipag-break sa kanya dahil nawawalan na raw ito ng panahon sa relasyon nila. Sobrang busy raw kasi ni Jay-R since naging first runner-up siya ng PDA, at naging sunud-sunod out-of-town and out-of-the country shows nila.



"Nagulat po ako noong siya ang nakipag-break. Naisip ko na lang na baka nga mas mabuti yung walang iniisip na iba si Jay-R kundi ang career niya. Ito kasi ang gusto niya at gusto niyang matupad ang mga pangarap niya para sa pamilya niya," pahayag pa ni Iya, na tubong Pangasinan.



Hindi kami maniniwala kung walang pumuporma ngayon kay Iya ngayong wala na sila ni Jay-R dahil malakas ang dating niya sa mga guys na mahilig sa mga morena.



"Meron naman po, pero ayoko munang mag-boyfriend," sabi ni Iya. "Gusto ko pong mag-concentrate sa ibang bagay. Ngayon kasi ay mukhang may plano ang Dream Big Productions for my singing career, siguro ito muna ang uunahin ko."



Okay lang ba sa kanya na makatrabaho ulit si Jay-R?



"Wala pong problema sa akin yun. Friends naman kami ni Jay-R. Kung may work para sa amin, sino naman ako para tumanggi? ‘Tsaka happy ako sa narating na ni Jay-R ngayon. Alam ko kasi ang mga pangarap niya sa buhay at nandito pa rin naman ako to support him," sagot ni Iya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Nang makausap namin naman si Jay-R, sinabi nito na okay sila ni Iya kahit na wala na silang relasyon. Hindi naman daw niya basta-basta makakalimutan ang ilang buwang pinagsamahan nila ni Iya. Kawalan daw ng oras ang dahilan kung bakit hindi na niya kayang makipagrelasyon muna.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN