EB Babe Lian Paz on Mark Herras: "Parang mag-MU na kami."


"Hindi naman po kasi kami ganoon kaseryoso sa relasyon namin. Sa showbiz po kasi ay mahirap magseryoso. Alam naman po natin kung ano ang showbiz. Basta ine-enjoy ko lang po kung ano man ang mayroon kami ngayon ni Mark," says EB Babe Lian Paz.



Inamin ni EB Babe Lian Paz na nanliligaw sa kanya ang young star na si Mark Herras. Last year pa raw nag-umpisa ang panliligaw sa kanya ng dating boyfriend ni Jennylyn Mercado at hanggang ngayo'y patuloy pa raw ang binata sa panunuyo sa kanya.

Bagama't inamin ni Lian sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) last Tuesday, March 13, na mag-MU (mutual understanding) na sila ni Mark, hindi naman daw ganoon kaseryoso ang kanilang relasyon.

"Okay lang naman ang panliligaw sa akin ni Mark. Parang mag-MU na kami, pero hindi ganoon kaseryoso, kasi pareho kaming naka-focus sa aming career," sabi ng dalaga sa dressing room ng Broadway Centrum, kung saan regular na itinatanghal ang Eat Bulaga!.

Iginiit pa ni Lian na hindi siya natatakot sa pagiging pabling ni Mark.

Paliwanag niya, "Hindi naman po kasi kami ganoon kaseryoso sa relasyon namin. Sa showbiz po kasi ay mahirap magseryoso. Alam naman po natin kung ano ang showbiz. Basta ine-enjoy ko lang po kung ano man ang mayroon kami ngayon ni Mark."

Nagkakilala sina Lian at Mark sa bithday concert ng young actor last year kung saan nag-guest ang EB Babes. "Simula po noon, naging good friends na po kami," sabi pa ni Lian.

Ano naman ang mga katangiang nagustuhan ni Lian kay Mark?

"Pareho kasi kaming Sagittarius, kaya pareho kaming malambing. Nagkakasundo kami sa maraming bagay," sagot ng dancer.

Subalit nilinaw ni Lian na hanggang MU lang muna sila ni Mark dahil mas gusto niyang pagtuunan ng pansin ang gumagandang career ng kanilang grupo. Minsan lang daw kasi dumating ang opportunity na 'tulad ng ibinibigay sa kanila ng Eat Bulaga! kaya ito muna raw ang kanyang focus.

Kahit nga ang pag-aaral ni Lian ay itinigil muna niya pansamantala dahil hindi na kaya ng kanyang schedules. Sakaling magkaroon ng pagkakataon at panahon, nais niyang maipagpatuloy ang pag-aaral. Nang tumigil siya'y nasa 3rd year college na siya sa Miriam College sa kursong Communication Arts.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN