Alessandra de Rossi turns down Italian suitor


Alessandra de Rossi admits that she had an Italian suitor, but she had to turn him down because she wants to stay away from love in the meantime


Sinabi ni Alessandra de Rossi na iyak daw siya nang iyak sa kasal ng best friend niyang si Danica Sotto sa basketball cager na si Marc Pingris noong March 3. Sa katunayan daw ay hanggang noong sumunod na araw ay hindi pa rin siya humihinto sa pag-iyak.

Naiyak daw siya dahil wala raw kasing-saya ang feeling na maging happy siya para sa isang taong mahal niya. Pero wala naman daw siyang wishful thinking na sa lalong madaling panahon ay ikasal na rin siya. Wala pa raw ito sa list of priorities niya sa ngayon.

Ayon pa kay Alex, wala raw siyang lovelife o ni suitor ngayon. Although kamakailan ay nagkaroon siya ng isang guwapong Italian suitor, si Alex na raw mismo ang nagsabi rito na ihinto na ang panliligaw sa kanya. Hindi pa raw kasi ready na magmahal muli ang half-Italian na si Alex pagkatapos makipag-break kay Jeremy Marquez.

Idinahilan din ng young actress na sobrang busy niya ngayon kaya wala ring mangyayari at walang kahihinatnan kung itutuloy pa ng Italian suitor ang panliligaw sa kanya. Nagti-text pa rin naman sila once in a while, pero hanggang dun na lang daw yun. Nanghihinayang si Alex, pero okay lang daw since hindi pa nga siya ready ma-in love.

Ayaw muna niyang mag-entertain ng kahit na sinong gustong manligaw sa kanya. Pero kung gusto lang ng mga ito na makipagkaibigan ay okay lang daw sa young actress. Pero kung ang gusto ng guy ay deeper pa na ugnayan, hindi pa raw kaya ni Alex.

Samantala, ipinaalam ni Alex na siya pala ang unang in-offer sa role ni Andrea del Rosario bilang lover ni Mylene Dizon sa independent movie na Rome and Juliet. Hindi niya raw tinanggap ang role dahil hindi niya kayang makipaghalikan sa kapwa niya babae. As in, ni ma-imagine na gagawin niya ito ay hindi raw niya carry.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasama na si Alex sa drama-adventure series ng GMA-7 na Super Twins na pinagbibidahan nina Dennis Trillo, Nadine Samonte, at Jennylyn Mercado, na nakaalitan niya noon. Gagampanan niya ang papel ni Nickelina—ang kontrabidang kapatid ni Ian de Leon at anak ni Tetchie Agbayani—na magpapahirap sa buhay ng Super Twins.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN