Dennis Trillo swears sexy photos in his album are all authentic


"Authentic lahat yun, walang photoshop diyan!" says Dennis Trillo about his sexy pictorial for his debut album.



Sobrang excitement na may kahalong kaba ang naramdaman ni Dennis Trillo sa kauna-unahan niyang mall tour last Sunday, March 11, sa SM City North Edsa, para sa self-titled album niya under IndiMusic.

"Nakakakaba talaga, pero nung nakita ko yung reaksiyon ng mga tao habang kumakanta ako, habang tumututugtog yung banda, habang lumalapit ako sa kanila para magpa-picture, parang biglang nawala. Imbes na kabahan ako, naging fuel yun para ma-pump ako na mag-perform nang mas maganda, ganu'n," masayang kuwento ng matinee idol na ngayon ay recording artist na rin.

"Tapos, lalo na nung maraming bumili nung CDs ko. Mga 250 copies agad ang nabenta, na hindi naman normally nangyayari na ganun karami ang nabebenta. So medyo overwhelmed ako. Medyo mas matagal pa nga yung autograph signing ko kesa sa performance ko. Pinirmahan ko lahat ng bumili ng CD," aniya pa.

May mga daring shots si Dennis sa mga photos niya sa album. Biniro namin siya na matindi siguro ang physical preparations na ginawa niya para gumanda nang husto ang katawan niya.

"Ang taba ko nga, e! Mas tumaba kasi ako, nagkalaman ang mukha ko. Wala namang muscles!" natatawang sabi ni Dennis.

Ipinagmalaki ni Dennis na walang daya ang lahat ng kuha niya sa album.

"Authentic lahat yun, walang photoshop diyan!" natatawa niyang sabi. "Buti sana kung nakita ninyong sobrang maskulado ang litrato ko. Nagbubuhat-buhat lang ako ng konti para ‘pag may sleeveless ka na susuutin."

Totoo bang hindi muna matutuloy ang major concert ni Dennis this year sa Araneta Coliseum?

"Hindi ko alam," aniya. "Wala pa, puro mga plano lang. And hindi ko yata solo yun, parang with Jose [Manalo] and Wally [Bayola] or Janno Gibbs. Pero hindi ko pa alam, e. Ayaw naming biglain, gusto naming unti-unti. Hangga't hindi napu-promote nang husto, hindi kami pupunta sa ganung klaseng malalaking events."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN