Paolo Bediones says no to politics, yes to business


"‘Pag showbiz ang aasahan mo, hindi siya sapat para makabuo ka ng pamilya. Unless if you are one of those superstars... E, hindi naman tayo superstar. So gumawa ng paraan para kumita ng magandang pera at matinding kontak para puwede mo nang ipamana sa mga anak mo," says Paolo Bediones.



Sa 33rd birthday celebration ng TV personality na si Paolo Bediones noong March 14 sa Plaza Ibarra, Timog Ave., nakakaintiriga ang naging kasagutan niya sa tanong kung may nag-imbita na ba sa kanyang political party para tumakbo for public office.

"Mayroon, but then, di ako mabibili," sagot ni Paolo na siya ring tumatayong President and CEO ng kanyang business venture na I/Tech.PH, isang U-Wallet Business System.

Patuloy niya, "Hindi ko sinasabi na yung ibang mga sumali sa showbiz, e, binili. I'm just saying na may katapat na pera 'yon siyempre, di ba? Although may mga iba diyan, kaibigan, kaya susuportahan. Pero ako, parang it's not me."

Ayon kay Paolo, binibigyan pa niya ang kanyang sarili ng hanggang five or ten years sa entertainment industry.



"Kumbaga, hindi naman ako magsasabi kung hanggang kailan ako mag-i-stay sa showbiz dahil ang mga tao naman ang magsasabi niyan, e. Puwedeng hanggang kaya, pero huwag mong ipagpilitan ang sarili mo kung ayaw ka na ng tao," prangkang pahayag ng S-Files co-host.

Marami ang nagtataka kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin nag-aasawa si Paolo. Wala pa rin ba siyang balak pakasal?



"Puwedeng sabihing nananagumpay na ako sa aking career at kailangan ko na ang taong makakasama ko sa buhay. Puwede ngang ganoon, pero ang tanong nga lang doon ay, 'Sino ang mapapangasawa [ko]?'" natatawa niyang sabi.



"‘Pag showbiz ang aasahan mo, hindi siya sapat para makabuo ka ng pamilya. Unless if you are one of those superstars. You know what I mean? E, hindi naman tayo superstar. So gumawa ng paraan para kumita ng magandang pera at matinding kontak para puwede mo nang ipamana sa mga anak mo," paliwanag pa ni Paolo.



Bukod sa pagiging isang mahusay na TV host, mahusay rin pala sa negosyo si Paolo. Kung ano nga ang mga ini-endorse ni Paolo ngayon, yun ang kanyang nagiging negosyo. Sa pamamagitan daw ng kanyang U-Wallet Business System, puwedeng maging kasing successful ng mga malalaking negosyante ngayon ang sinumang Pinoy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"You don't have to be somebody who came from a rich family to become a successful businessman. Noong una ay hesitant ako because I'm going to invest my hard-earned money on this. Pero it was worth it, and I want to share this trade secret with so many people who want to get into business but don't know the ropes. Matutulungan namin kayo with that," sabi ni Paolo.



Nagbigay rin ng ilang impormasyon si Paolo kung paano nabuo ang I/Tech.PH.

"Itong negosyong ito, actually, combination of four years of various business skills... Sa apat na taon na 'yon, I made the right contacts, servicing, and networking of people. And siguro, dahil nga inaalagaan natin ang pangalan natin sa showbiz, e, sila ang lumalapit at nag-aalok ng negosyo sa akin," sabi ni Paolo.



"Sana, itong I/Tech.PH Solutions ang magiging sagot sa mga Filipinos kung ang kanilang hangarin ay maging negosyanteng tunay. Marami kaming mga paraan para gawing negosyante ang ating mga kapwa Pilipino. Mayroon kaming mga programa to educate them," pahayag niya.

Sa mga gustong malaman ang tungkol sa I/Tech.PH Solutions, puwedeng mag-email kayo kay Paolo sa paolobed@mac.com or check out the website at www.i-tech.ph.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN