Isabel Oli and Paolo Contis to separate for two months


Sweethearts Isabel Oli and Paolo Contis have to separate for a while since Isabel will have to fly to Singapore for her yearly summer vacation.



Separate lives and countries for two months ang magkasintahang sina Isabel Oli and Paolo Contis.

More than one year na ang relationship nina Isabel and Paolo, na unang nagkasama sa Sugo ng GMA-7, at nagsama uli sa isang episode sa Love To Love, ang "Like Mother, Like Daughters." Ngayon, sumanib na rin si Paolo sa relihiyon ni Isabel, a member of the Born Again Christian group na Victory Fellowship.

Like her usual summer schedule, nakatakdang lumipad si Isabel patungong Singapore next month for two months para makasama ang kaniyang Singapore-based family. Matagal nang naninirahan ang kaniyang mga magulang sa Lion City kasama ng kaniyang tatlong kapatid na babae. Si Isabel lang ang nasa Maynila at ang kaniyang mga kuya naman ay nasa Cebu.

Nagpaalam muna si Isabel sa GMA-7 for this break, although she said on call siya pagdating ng May dahil baka simulan na ang kaniyang next project for the Kapuso Network—possibly a soap.

Before flying to Singapore, lilipad muna si Isabel sa Japan to do a shoot for an international brand. Sa Japan na siya didiretso patungong Singapore.

Kaya nga ngayon pa lang, inaayos na ni Isabel ang iba niyang commitments, especially her endorsements. The celebrity endorser of such diverse products like Myra E lotion and Cinderella also renewed her contract with the Fly Wear Shades, a line of imported shades na nabibili nationwide in leading malls.

Hindi naman alam ni Isabel kung, like last year, makakasunod si Paolo sa Singapore kahit one week lang. May two schedules din si Paolo abroad in April and May. Hindi pa alam ni Paolo kung tuloy ang Middle East shows niya for GMA Pinoy TV but, for sure, lilipad siya papuntang Russia next month para naman sa isang mission for their religion.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN