Judy Ann's manager reacts to Katya's "worst billboard" comment


Katya Santos (left) named the Pacific Blue billboard of Judy Ann Santos as the "worst billboard on EDSA" on DJ Mo Twister's radio program last Wednesday.



Baka kailangan daw ng attention ni Katya Santos, sabi ng manager ni Judy Ann Santos na si Alfie Lorenzo, sa pag-mention ng Viva Hot Babe na "worst billboard ad on EDSA" ang Pacific Shades ni Judai.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Alfie sa birthday cum thanksgiving party ni Paolo Bediones last Wednesday night sa Plaza Ibarra sa Timog Avenue. Wala pang nagbabalita sa kaniya na ang Pacific Shades nga ni Judai ang worst billboard ad para kay Katya, na part of the "40 Forbidden Questions" sa radio show ni DJ Mo Twister sa Magic 89.9.

May explanation naman si Katya na she has nothing against Judai dahil ang tanong naman is about the ad, not the endorser. Hindi lang daw nakuha nang tama ng stylist ang ina-attain na sexy look for Judai in that pictorial.

"Ah, ganoon," pauna ni Alfie when we repeated Katya's whole answer.

"Wala siyang taste. Ang Pacific Blue nga ni Judai ang pinakamaganda niyang billboard. Kahit ang pamangkin ko, hindi siya nakilala. This is even better than her Flawless, at doon maganda na si Judai," sagot ni Alfie.

Dagdag pa niya, "Baka naman nagpapapansin lang si Katya?"

Kaiba sa inaasahan mula kay "Tito Alfie," na siyang tawag sa 68-year-old manager, walang hint of galit sa pagkakasabi niya nito. He was just his usual frank, outspoken self.

Siya pa naman daw ba ang magagalit kung mapipintasan ang mga ads ni Judai, e, dadami pa raw yun. May nakahilera na kasing walong endorsements kay Judai, including one for San Miguel na dapat sana'y last Christmas pa nai-release.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN