Mark Herras reacts to "worst actor" comment of Katya Santos


"Lahat naman gusto kong makatrabaho, kahit na si Katya. Yun siguro angway para mapatunayan ko rin sa kanya na may improvement na ako sapag-arte," says Mark Herras about Katya Santos's "worst actor" comment.



Nginitian na lang ni Mark Herras ang naging comment sa kanya ng Viva Hot Babe na si Katya Santos. Last Wednesday, March 14, umupo si Katya Santos sa "Forbidden Questions" segment ng radio program ni DJ Mo Twister na Good Times at ang pangalan ni Mark ang isinagot ng sexty star sa tanong kung sino para sa kanya ang worst actor.

Ayon kay Mark, nirerespeto niya ang opinyon ni Katya at papairalin na lang daw niya ang kanyang pagiging gentleman.



"Hindi ko naman personally kilala si Katya, kaya okay lang na sinabi niya na worst actor ako para sa kanya. Ako naman, ginagawa ko nang mabuti ang trabaho ko. Siguro sa ngayon ay wala pa siyang nakikitang pagbabago sa akin. Pero lahat ng puwede kong gawin na ikagaganda pa ng career ko bilang artista ay sinusubukan ko," nakangiting pahayag ni Mark.

Idinagdag pa ng young actor na willing siyang makatrabaho si Katya someday.



"Wala namang problema sa akin, e. Lahat naman gusto kong makatrabaho, kahit na si Katya. Yun siguro ang way para mapatunayan ko rin sa kanya na may improvement na ako sa pag-arte," sabi pa ni Mark.



Sinabi ni Mark na mas magre-react daw siya kung lalake ang nagbigay ng komentong worst actor siya.



"Kung lalakeng artista ang nagsabi niyan, baka puwede pa akong mag-react. Lalo na kung alam kong mas magaling akong umarte kesa sa nag-comment, di ba? Pero ang mahalaga, yung patuloy na improvement sa craft mo bilang artista. Doon na lang ako tututok," paliwanag niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN