Irish Fullerton torn between Luis Manzano and Mark Bautista?


Pinoy Dream Academy finalist Irish Fullerton is now being linked to both Luis Manzano (left) and Mark Bautista (right).



Worried ang Pinoy Dream Academy (PDA) finalist na si Irish Fullerton na baka lalo siyang matsismis kay Luis "Lucky" Manzano dahil makakapareha niya ang young TV host-actor sa isang special episode ng Love Spell na kukunan sa Boracay. Itatampok si Irish kasama ang iba pang PDA scholars sa naturang show ng ABS-CBN. Noong una raw ay hindi alam ni Irish na ipa-partner sa kanya si Luis.



"When they told me that Lucky will be my partner, nagulat ako," pag-amin ni Irish. "I said, ‘Oh, no, baka maniwala na sila sa chismis!' Pero I just laughed it off kasi Lucky is just a good friend. And I look forward to working with him sa show."



Nagsimulang ma-link si Irish kay Lucky nang mag-show ang PDA scholars sa Cebu noong February. Nagkataon na nasa Cebu rin si Lucky at nagkita-kita sila sa isang kilalang bar doon. Ayon sa mga nakakita ay very intimate daw ang dalawa, pero parehong idinenay nina Irish at Luis ang lumabas na balita.



Ang constant textmate daw ni Irish ngayon ay si Mark Bautista. Naging close naman ang dalawa dahil parati silang nagkakasama at nagkakausap sa ASAP '07, kung saan regular silang performers. Nagsimula ang rumor na nanliligaw si Mark kay Irish nang sabay silang dumating sa surprise birthday party kay Anne Curtis sa Hyatt Hotel and Casino last February rin.



"He's not courting me yet," nangingiting sabi ni Irish tungkol kay Mark. "Ako naman, I want to get to know Mark more kasi I find him very interesting. When he went to Canada for a series of shows, nagte-text siya sa akin at binabalitaan niya ako. He's so nice to do that, di ba?"



Samantala, excited si Irish sa US tour ng PDA scholars dahil kasama ang San Francisco sa pupuntahan nila. Nandoon daw kasi ang kanyang pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"I'm so happy because I miss my family in San Francisco. It will be the first time I will be home after like seven months. My Mom was here with me for a few months, pero she already left na. Magkikita na lang ulit kami doon," masayang sabi ni Irish.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN