Yeng does not want to be compared to Kitchie and Barbie


"Marami pa akong bigas na kakainin para maabot ko ang status nila bilang mga singers. Nakakahiya kasi. Ayokong isipin nila na humihilera ako sa mga tulad nila," says Yeng Constantino about comparing her to rock icons Barbie Almalbis and Kitchie Nadal.



As much as possible ay ayaw makumpara ng Pinoy Dream Academy Grand Dreamer na si Yeng Constantino sa female rock stars na sina Kitchie Nadal at Barbie Almalbis. Ayon kay Yeng, hindi siya dapat maihilera sa mga idols niyang sina Barbie at Kitchie dahil sobrang taas daw ng tingin niya sa mga ito.



"Huwag naman akong i-compare sa dalawa kasi marami pa akong bigas na kakainin para maabot ko ang status nila bilang mga singers. Nakakahiya kasi. Ayokong isipin nila na humihilera ako sa mga tulad nila. Idol ko po sila kaya mananatili akong tagahanga nila at di ako puwedeng pumantay sa kanila," very humble na sabi ni Yeng sa pictorial ng PDA scholars last March 14.



Marami ang nagsasabi na deserving na raw matawag si Yeng bilang "Rock Princess" dahil dalawa na ang hit singles niya mula sa kanyang debut album na Salamat for Star Records. Kailan nga lang ay nabigyan si Yeng ng Platinum Record Award, ngayon ay nakaabot na sa Double Platinum ang kanyang album.



"Yung title na Rock Princess, parang hindi ko pa deserve ‘yon," sabi ni Yeng. "Tama na yung tawagin akong Grand Dreamer. Yun na lang. Ayokong may magsabi na nang-aagaw ako ng title. Para lang ‘yon kina Barbie at Kitchie, para sa mga idols ko."



Naging successful ang naging show ng PDA Top 6 sa Tokyo, Japan kamakailan, kung saan nakasama nila sina Sam Milby at Piolo Pascual. Ngayon ay naghahanda naman ang grupo para sa kanilang two-week US tour this April.



Inamin ni Yeng na sa sobrang hectic ng kanyang schedule ay nawawalan na siya ng oras at panahon para sa kanyang pamilya.



"Nagi-guilty na nga ako kasi minsan kasi kapag umuuwi ako, tulog na sina Mama at Papa. Hindi ko na sila nakikita ng buong araw. May time nga na one whole week na hindi kami nagkita. Hanggang text-text na lang at tawag sa phone," kuwento ni Yeng.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya minsan, kung puwede ko silang isama, isinasama ko sila. Naiintindihan naman ako ng mga parents ko kasi alam nilang para sa amin itong ginagawa kong pagpupuyat sa trabaho," sabi pa niya bilang pangwakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN