Sheryl Cruz wants to get pregnant again


"I really wanted to get pregnant na para magkaroon na kami ng bagong baby. Nakaka-miss din ang mabuntis," says Sheryl Cruz.



Naikuwento ni Sheryl Cruz sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na gusto na nila ng kanyang asawang si Norman Bustos na sundan ang kanilang panganay na si Ashley Nicole.



Five years old na raw kasi si Ashley kaya time na para mabigyan nila ito ng kapatid. Noong December 2006 pa raw sanang gustong magbuntis ni Sheryl kaya nagplano sila ng second honeymoon ni Norman sa Boracay. Pero wala raw nangyari dahil nagkaroon siya ng "monthly visitor."



"I really wanted to get pregnant na para magkaroon na kami ng bagong baby. Nakaka-miss din ang mabuntis, pero siguro ay hindi pa kami pinapayagan ng Diyos na sundan si Ashley. Pero wish ko nga sana ngayong taon ay mabuntis ako," panimulang pahayag ni Sheryl.



Natutuwa si Sheryl dahil marunong na raw mag-Tagalog si Ashley na nasa preparatory education sa St. Paul's in Quezon City. Gusto raw ni Sheryl na dito lumaki ang kanyang anak para matutunan nito ang mga Filipino values.



"At least dito, kahit na busy ako sa trabaho, may oras pa rin ako for her. Nasasama ko siya sa mga lakad ko kapag okay lang. Kung sa States kasi, magtatrabaho ako, maiiwan siya sa nanny. Alam n'yo naman sa States, mabilis ang oras. Kakapahinga mo pa lang, you need to work ulit. Kaya mas gusto kong nandito kaming mag-ina dahil mas may bonding kami rito," sabi pa ni Sheryl.



Gusto rin sana ni Sheryl na rito na sa Pilipinas manirahan at magtrabaho ang kanyang mister na si Norman. Kaso raw ay maganda ang trabaho ni Norman sa San Francisco bilang member ng SWAT Team ng SF Police Department.



"Kung hindi nga lang maganda ang mga benefits sa work niya, e, di sana nandito na lang siya. Pero he loves his job and I can't force him to leave it. Passion niya ang mag-serve sa police force. Kaya if he has the time to go on a vacation, ginagawa niya just to be with us," kuwento pa ng dating child actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Ibinalita rin ni Sheryl na bumili na siya ng bahay rito sa Pilipinas at kamakailan nga ay ipina-bless na nila ito. Mainam na raw yung may bahay sila rito para may nauuwian silang sa kanila talaga.

"Proud ako sa naipundar kong bahay because hard work ang ibinuhos ko diyan. Matagal ko nang pinangarap to have a home here," ani Sheryl na matagal ding nanirahan sa Amerika.



Samantala, na-extend hanggang April ang kinabibilangang drama series ni Sheryl na Bakekang. Sabi ni Sheryl ay mami-miss niya ang papel niya bilang Valeria sa serye kapag natapos na ito.



Aniya, "Napamahal na sa akin ang show and natuwa kami when we were extended pa. Lalo kasing gumaganda ang mga eksena sa Bakekang kaya napahaba pa kami ng konti. I will miss everyone sa show kapag nag-end na ito. I really look forward sa mga tapings namin, lalo na sa mga eksena namin ni Sunshine [Dizon, who plays Bakekang]."



Sisimulan na rin ni Sheryl ang taping para sa bago niyang show sa GMA-7, ang TV version ng Sinasamba Kita para sa Sine Novela. Gagampanan niya ang role na unang ginampanan ng kanyang Ninang Vilma Santos. Makakasama ni Sheryl dito sina Wendell Ramos, JC de Vera, at Valerie Concepcion, sa ilalim ng direksiyon ni Joel Lamangan.



"It's nice to work with Direk Joel again. Una niya akong idinirek sa Ikaw Naman ang Iiyak for Viva Films before I got married and left showbiz for a while. When I came back, siya ang nagdirek sa akin sa Mano Po 3: My Love with my Ninang Vilma. Now, we're back working together kaya parang reunion para sa amin," pagtatapos na ni Sheryl.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN