Ara Mina still hoping for reconciliation with Polo Ravales


"Kahit cool-off kami ngayon, alam ko na love pa rin niya ako at love ko pa rin siya," says Ara Mina about Polo Ravales.



Magkasama sa pinakabagong TV series ng GMA-7 na Lupin ang cool-off ngayong sina Ara Mina at Polo Ravales. Magsisimula na sila ng taping this Sunday, March 18. Dahil dito ay hindi maiwasang mag-speculate ang iba na posibleng maging daan ito para magkabalikan ang dalawa.

Mismong si Ara ay hindi isinasara ang posibilidad na ito, lalo't aminado ang sexy star na nandoon pa rin ang nararamdaman nila ni Polo sa isa't isa. Kawalan lang daw ng oras dahil sa sobrang busy sa trabaho at maliliit na bagay ang naging rason ng pagkakalabuan o pagku-cool-off nila.

"Well, we don't know, maybe yes. Hindi natin kasi masabi kung ano ang mangyayari sa amin ni Polo, e," pahayag ni Ara sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa birthday celebration ng isang entertainment writer.

Bukod kina Ara at Polo, tampok din sa Lupin sina Richard Gutierrez, Janno Gibbs, Katrina Halili, Boy2 Quizon, Ehra Madrigal, Rhian Ramos, at marami pang iba. Magsisimula itong umere sa Kapuso Network sa April.



RHIAN RAMOS. Tungkol naman sa pangdedeadma sa kanya ni Rhian sa YES! anniversary party at PEP grand launch, bagama't noong una ay ayaw na itong pag-usapan ni Ara, napilit pa rin siya ng ng PEP na magbigay ng reaksiyon.

May lumabas kasing balita na selos diumano ang tunay na dahilan ng pagka-imbiyerna ni Ara kay Rhian dahil sa pagbeso nito kay Polo, at hindi yung pang-iisnab ng baguhang young actress sa kanya kahit na-introduce na sila sa isa't isa sa pictorial ng Lupin.

"Ayoko nang palakihin ito, ayoko ngang magpa-interview sa TV," pauna ni Ara. "Sa akin lang, simpleng respeto lang ang hinihingi ko. Kung hindi talaga siguro siya palabati ay maiintindihan ko na ‘yon. Pero sa showbiz, ang mga kasama mo, kahit di mo batiin, smile lang ay okay na ‘yon, e.

"First time kaming nag-meet ni Rhian doon nga sa pictorial. Nag-smile naman siya at okay naman. Ako naman, once na naipakilala sa akin ang tao, kapag nakita ko siya sa labas ay babatiin ko siya. Miss Friendship nga ako, e. Kahit noong high school ako, nanalo akong Ms. Friendship. Sa akin talaga, dapat wala kang pinipili.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa industriya kasing ito, mahalaga yung respect sa mga nauna sa iyo, sa mga seniors. Ako, kahit sa mga extra ay bumabati o nag-i-smile man lang ako, kasi naging extra rin ako sa movies noon. Alam ko ang pakiramdam nila," seryosong pahayag pa ni Ara.

Pagdating naman sa pagseselos niya umano kay Rhian, natatawang sinabi ni Ara na, "Naku naman, kampante ako na hindi babaero si Polo! Kahit cool-off kami ngayon, alam ko na love pa rin niya ako at love ko pa rin siya."

NANGHIHINAYANG. Bukod sa pag-amin ni Ara ng tunay nilang feelings ni Polo sa isa't isa, sinabi rin niya na nanghihinayang siya sa kinahinatnan ng relasyon nila.

"Kung kailan pa walang third party, doon pa kami nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan. Talagang mga small things lang ang pinag-uumpisahan ng tampuhan namin," sabi ni Ara.

"Kung minsan, naiisip ko siguro dahil mas matanda ako sa kanya... Matanda ako ng three years sa kanya, e. Pero hindi dahil sa immature o mas bata siya sa akin. Minsan naman kahit magkasing-edad kayo... Mas madali lang talagang mag-mature ang babae, di ba? May mga maliliit na bagay na hindi namin talaga napagkakasunduan, e," naiiling na pahayag pa niya.

Ayon pa kay Ara, "Ako kasi, di ba, mahilig akong mag-invest, mag-ipon o magtayo ng business? Siya, parang gusto muna niyang i-enjoy ang buhay, parang ganoon. Ewan ko, baka nami-misinterpret ko lang siya.



"Kasi ako, ina-apply ko sa kanya kung ano yung ginawa ko. Kaya nga, sabi ko kay Polo, okay lang magpa-sexy. Hindi ako nagseselos kahit kalaplapan niya sina Diana Zubiri at Francine Prieto kasi napagdaanan ko na ‘yan, e. Kahit magpakita siya ng puwet, okay lang ‘yon, trabaho ‘yon, e.

"Hindi naman ako ang nagpayo sa kanyang magpa-sexy, pero sinabi ko sa kanya na okay lang na gawin niya ‘yon. Hanggang PG-13 na lang naman ngayon, e. Hindi ka na makakapag R-18," sabi ni Ara, na ang tinutukoy ay ang pelikula ni Polo sa Seiko Films, ang Silip, kasama sina Diana at Francine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi kasi pang-lifetime ang trabaho namin. Kaya habang mainit pa, samantalahing mag-ipon. Hindi ko naman sinasabing gastos siya nang gastos... Parang kunwari kasi, alam ko na may nagugustuhan tayong mga bagay, pero siguro, dapat unahin muna natin yung mga importante, yung priority. Like yung bahay, negosyo, yung mga ganyan, hindi ba?" aniya.

"Si Polo kasi, hindi pa siya masyadong focused sa mga ganitong bagay—yung pag-i-invest. Although sinasabi naman niya na gusto niyang bumili ng bahay... Dahil, di ba, matagal nang issue na tinutulungan ko siyang maghanap ng bahay? Kaya lang, hindi siya kumikilos agad. So, mga simple things lang talaga ang pinag-aawayan namin, na wala naman talaga dapat na issue.

"Hindi ko nga alam kung masyado na akong nagiging pakialamera sa buhay ni Polo. Pero siyempre, mahal ko siya at concerned lang ako. Gusto ko lang siyang tulungan. Hindi ba ganun naman talaga tayo kapag mahal natin ang isang tao?

"Siguro lang, parang magkaiba kami ng point of view sa buhay dahil mas bata pa siya sa akin. Kumbaga, hindi mag-meet yung idea namin. Pero hopefully, ma-realize din niya na para sa kanya rin yung tulong na ginagawa ko sa kanya.

"Sana lang, huwag ma-misinterpret ang ginagawa kong pagtulong at pagsasabi ng ganito... This is the first time na nagsalita ako ng tungkol sa ganitong bagay. Kasi nga, kung anu-ano ang mga pangit na balitang lumalabas," paliwanag pa ni Ara.

Nalalapit na ba ang kanilang reconciliation?

"Maybe time lang siguro," sagot niya. "Darating na lang siguro ang time na ‘yon na mararamdaman na lang namin na puwede na ulit kaming magkabalikan. Pero ngayon, hindi pa talaga kami nakakapag-usap.

"Oo, nami-miss ko rin si Polo. Kaya lang, isa sa nagiging sagabal din sa amin ay yung pride, e. Hindi nawawala yung pride, may pride ako, may pride din siya. So, mag-fried chicken na lang kami!" pabirong pagtatapos na ni Ara.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN