Rufa Mae Quinto on Rudy Hatfield: "Sana tumigil na siya."


"Six years is six years, di ba? So sana tumigil na siya. Tutal may kanya-kanya na kaming buhay, di ba?... But I'm thankful he left me kasi nung kami pa, sa kanya lang halos umiikot ang mundo ko," says Rufa Mae Quinto about ex-boyfriend Rudy Hatfield.


Balitang imbiyerna si Rufa Mae Quinto dahil sa patuloy na pagbanggit sa pangalan niya ng basketbolistang ex-boyfriend na si Rudy Hatfield sa tuwing ini-interview ito. Dahil dito, nakiusap na raw ang sexy-comedienne sa cager, at pati na rin sa fiancee nito, na patahimikin na siya since may kanya-kanya na silang buhay.

Nag-sorry naman daw ang dalawa kaya buong akala ni Rufa Mae ay okay na. Pero laking gulat niya nang i-email siya ni Rudy kamakailan kung saan nagbanta ito na ibubulgar on TV ang lahat ng may kinalaman sa nakaraan nila. Bukod dito, marami pa raw masasakit na salitang sinabi si Rudy sa nasabing e-mail na ipinadala sa kanya nito, pero tumanggi nang mag-elaborate ang aktres.

Sina Rudy at Rufa Mae ay nagkahiwalay nang ipasya ng una na talikuran ang basketball career at bumalik na lang sa Michigan kung saan ipinagpatuloy nito ang pag-aaral sa kagustuhang tuparin ang ambisyon na maging isang fireman o bumbero.

Ngayong nagbalik si Rudy at active na naman sa basketball bilang manlalaro ng Barangay Ginebra, may feeling si Rufa Mae na naiinggit ang ex-boyfriend sa exposure na tinatamasa ngayon ng kasamahan sa Philippine Basketball Association (PBA) na si James Yap ng Purefoods dahil sa pagkaka-ugnay ng pangalan nito sa dating receptionist ng Belo Medical Clinic na si Hope Centeno kaya gumagawa raw ng eksena si Rudy.

Nagdaramdam ang sexy actress dahil hindi man lang nirespeto ni Rudy ang anim na taong pinagsamahan nila bilang magnobyo.

"Six years is six years, di ba? So sana tumigil na siya. Tutal may kanya-kanya na kaming buhay, di ba? Nung nag-break nga kami ay halos nawindang ako to the point na naospital pa nga ako. Hindi naman sa nagpapaawa ako, pero nasaktan talaga ako that time. But I'm thankful he left me kasi nung kami pa, sa kanya lang halos umiikot ang mundo ko," sabi Rufa Mae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya, "Now with Erik [Santos, Rufa Mae's current boyfriend], I can grow. Erik is a kind person. With him, I can do things I never thought I could do before. That's why masaya ako sa buhay ko ngayon."

Speaking of Erik, inamin nga ni Rufa sa nakaraang panayam ng QTV 11 na matagal na niyang crush ang magaling na singer kaya nang ligawan siya nito ay hindi na niya ito pinahirapan.

Kuwento ni Rufa Mae, "Dati kasi may mga suitors ako na ang tagal-tagal, as in months talaga nanligaw bago ko sinagot. Pero hindi naman guarantee 'yon na magiging masaya ka kasi after a while, saka mo makikita yung totoong kulay nila. Si Erik, iba siya. Siguro dahil naging magkaibigan muna kami kaya kabisado ko na ang ugali niya bago pa naging kami, di ba?"

Tungkol naman sa hindi mamatay-matay na isyu ng pagiging bading umano ni Erik, muling ipinagtanggol ni Rufa Mae ang kasintahan.

"Tigilan na nila 'yan. Wala namang ginagawang masama sa kanila ang love ko. Kilala ko si Erik. Mamatay sila sa inggit!" mariin pa niyang sabi.

Nakarating na rin kay Rufa Mae ang pekeng picture ng boyfriend kung saan nakasampa ito kay Piolo Pascual, pero deadma lang ang sexy comedienne. Aniya, talaga lang very close si Erik kay Piolo. Dagdag pa niya na napakabait na tao ni Piolo at sa katunayan ay palagi sila nitong iniimbitahan sa bahay niya.

"Madalas niya [Piolo] kaming imbitahan sa bahay niya. Kasama namin yung ibang taga-ASAP, sina Toni Gonzaga, Christian Bautista, at iba pa. Pinapakain niya kami tapos babasahan ng Bible. Sobrang bait ni Piolo kaya naman kahit iniintriga ay patuloy siyang inuulan ng blessings," sabi pa ni Rufa Mae.

Going back to Rudy, nakatakdang ikasal ang Barangay Ginebra star player sa nobyang si Britanny Herr in Ireland sa August this year. Ito ang dahilan kaya hindi siya makakasama sa RP National Team na inihahanda para makipag-compete sa darating na 2008 Beijing Asian Games dahil sa petsa ng kasal ni Rudy tumapat ang qualifying championship ng RP squad na gaganapin sa Tokushima, Japan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN