Ryan Agoncillo excited to work with his young co-stars in 'My Kuya's Wedding'


"Nang malaman ko kung sinu-sino ang makakasama ko rito, magkakasama-samapala sa movie ang mga Kabarkada [si Ryan na may show sa Studio 23],Kapamilya [sina Maja at Jason], at Kapuso [si Jennylyn]. Feeling ko,literally, kuyang-kuya ako sa kanila!" says Ryan Agoncillo about his co-stars in My Kuya's Wedding.



Bago simulan ang press con ng My Kuya's Wedding ng Regal Entertainment sa penthouse ng Imperial Palace Suites last Saturday, March 17, nakausap na agad ng PEP (Philippine Entertainment Portal) and male lead star ng pelikula na si Ryan Agoncillo.

"Excited ako kasi first time ko pa lang makakatrabaho sina Maja Salvador, Jason Abalos, at si Jennylyn Mercado," panimulang pahayag ni Ryan.

"Sabi ko nga, nang malaman ko kung sinu-sino ang makakasama ko rito, magkakasama-sama pala sa movie ang mga Kabarkada [si Ryan na may show sa Studio 23], Kapamilya [sina Maja at Jason], at Kapuso [si Jennylyn]. Feeling ko, literally, kuyang-kuya ako sa kanila! At sa wakas, matatawag na rin akong Regal Baby!" natatawang wika ni Ryan.

Patuloy niya, "Nakasama ko na si Maja sa isang pictorial ng magazine na ako ang photographer. Marami na akong naririnig na maganda tungkol kay Jennylyn, pero hindi pa kami nagmi-meet personally. Napapanood ko lang siya sa TV at nakikita ko sa magazine. Siguro, kung nagkita man kami sa backstage na mayroon kaming show, ‘hi, hello' lang kami. First time ko ring makakatrabaho si Direk Topel Lee, a dear friend of mine, na balita ko ay mahusay na direktor."

Sa My Kuya's Wedding ay ginagampanan ni Ryan ang papel ng isang binata na malapit nang magpakasal sa kanyang girlfriend (to be played by Jennylyn), pero pilit na pinipigilan ng kanyang nakababatang kapatid na gagampanan naman ni Maja.

"At last, mararamdaman ko na rin kung paano magkaroon ng sister kahit sa movie lang. Mararanasan ko rin kung paano ako i-terrorize ng sister ko dahil ayaw niya sa mapapangasawa ko. Dahil wala nga akong kapatid na babae, yung mga manliligaw ng mga pinsan kong babae ang hina-hassle ko," kuwento pa ni Ryan.

Originally pala ay si Jolina Magdangal ang gaganap sa role ng mapapangasawa ni Ryan sa My Kuya's Wedding. Pero dahil magiging busy si Jolens sa darating na eleksiyon para sa kampanya ng kanyang boyfriend na si Bebong Muñoz, nag-beg-off siya at napunta ang kanyang role kay Jennylyn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Biniro namin si Ryan na mukhang nalilinya siya sa movie na may kasal. After kasi ng Kasal, Kasali, Kasalo nila ng girlfriend niyang si Judy Ann Santos, heto't tungkol din sa kasal ang My Kuya's Wedding. Hindi kaya pagkatapos ng My Kuya's Wedding, maging Ryan-Judy Ann wedding na sa May?

"Probably not this May," natatawang sabi ni Ryan. "Maybe next year or the year after. Actually, hindi pa namin talaga ito napag-uusapan, pero gusto ko talaga May. Mahalaga sa akin ang month na ‘yon, plus birthday pa ‘yon ni Juday. Pero hindi kami basta magpapakasal, pagpaplanuhan at gagastahan namin talaga ‘yon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN