Ai-Ai delas Alas forced to say sorry to James Yap


"Hindi ko talaga akalain na kababae kong tao ay papatulan niya ako. Angtagal ko na rin sa showbiz, pero wala namang nagtaray sa akin na lalaki—puro babae!" says Ai-Ai delas Alas about James Yap.


Kaugnay pa rin ng pagbibiro ni Ai-Ai delas Alas noon kay Kris Aquino, na isoli na lang ni Kris ang asawa nitong si James Yap sa nanay niya noong kasagsagan ng James Yap-Hope Centeno controversy, isang text message diumano ang natanggap ni Ai-Ai mula kay James. Ito raw ang nilalaman ng text message ng asawa ni Kris kay Ai-Ai: "Ayusin mo pananalita mo, hindi ka nakakatuwa."

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Ai-Ai ay inihayag niya ang kanyang naramdaman pagkabasa sa text message sa kanya ni James.

"Una siyempre, na-shock talaga ako dahil number ni Friendship [tawag niya kay Kris] ang nag-register sa cell phone ko. Pero medyo nahimasmasan ako at na-shock kasi Tagalog," panimulang kuwento ni Ai-Ai.

"Ako naman, sa kagagahan ko rin, yung mga text kong ganoon kay Kris, yung sa akin, tsikang magkaibigan lang yun. Kahit naman sa ibang tao, nasasabi ko rin yun. Kunwari magkaaway yung kaibigan kong mag-asawa, nasasabi ko yun. Kahit sa ka-relasyon ko, sinasabi ko talaga, ‘Sige, ibababalik kita sa nanay mo! Wag mo akong inisin!' Kasi, sa Pinoy, isang joke yun na normal lang," paliwanag pa niya.

"Ang sabi ko talaga sa kanya [Kris], ‘Friendship, naku, para huwag ka muna mamroblema, ibalik mo muna ‘yan [James] sa nanay niya.' Half dun, joke. Sinasabi yun ng isang kaibigan sa kapwa niya kaibigan na namumroblema para matawa siya, para to lighten up kung ano ang nangyayari sa buhay niya, which is ganoon naman tayong mga Pinoy, 'di ba? Lalo na kung babae sa babae, natural lang magko-comment sa kanya.

"Unang-una siyempre, nainis ako," pag-amin niya. "Alam ko naman na siya yun, bakit number ni Kris ang ginamit niya? Bakit hindi siya gumamit ng cell phone niya para masagot ko naman siya. Ang duwag naman niya. Sana sariling cell phone na lang niya ang ginamit niya, para tuloy wala siyang load!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos, tinext pa ni Friendship na three days na silang nag-aaway dahil dun. Alam mo, nawalan ako ng choice kundi mag-sorry sa kanya [James] kahit naiinis ako. Hindi ko nailabas ang tototoong nararamdaman ko. Nag-sorry ako para matapos na lang kasi inaaway niya si Friendship.

"Nagkausap kami ni Kris after that. Sabi ko, ‘Sorry, alam mo naman na anything [that] hurts you, hurts me. Sabihin mo kay James, 'sorry,' para matapos na lang itong mga atsu-atsu,'" bulalas pa ni Ai-Ai.

"Actually, ‘pag may nangyayari na ganito, inaaway ni James si Friendship. Ayoko nang awayin pa ni James si Kris kasi mahal ko naman yung tao. Ako na lang ang awayin niya, kasi ako, wala namang dinadalang baby, e! Okay lang yun. Ako, normal ako, e! Puwede akong lumaban sa kanya. ‘Wag si Kris ang awayin niya. Kasi si Kris, may baby—na baby rin niya. Kawawa naman, 'di ba? Magbigay naman siya ng kunsiderasyon."

Sinabi pa ni Ai-Ai na para hindi na raw masaktan si James sa comment niya na isoli na lang ito sa nanay niya, sasabihin din daw niya kay Tita Cory (Aquino, ina ni Kris) na kunin na lang niya uli si Kris para baligtad.

"Hindi ko talaga akalain na kababae kong tao ay papatulan niya ako. Ang tagal ko na rin sa showbiz, pero wala namang nagtaray sa akin na lalaki—puro babae!" himutok pa ni Ai-Ai bilang pangwakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN