Raymond Lauchengco's wife is finally pregnant!


"I'm hoping for a boy, Mia's hoping for a girl, but of course as long as the baby is healthy it really doesn't matter," says Raymond Lauchengco in his official website about his wife's pregnancy.


Masayang ibinalita ng balladeer and former Bagets star na si Raymond Lauchengco na buntis na ang misis niyang si Mia Rocha-Lauchengco. In-announce ito ni Raymond sa kanyang concert sa Teatrino last March 15.



Three years nang kasal sina Raymond and Mia—they were married on March 25, 2004—at matagal na raw nilang ipinagdarasal na magkaroon na sila ng baby. Kahit kailan daw ay hindi sila nawalan ng pag-asa dahil alam nilang may magandang plano ang Diyos para sa kanila.

At ngayon nga ay dininig na ang kanilang dasal para magkaroon ng baby. Ayon kay Raymond ay aalagaan daw nila nang husto ang kanilang magiging anak.



Sa November daw ang due date ng panganganak ni Mia, pero ngayon pa lang daw ay paghahandaan na ni Raymond ang magiging firstborn nila.

Sa kanyang official website, raymondlauchengco.wordpress.com, inihayag ni Raymond sa kanyang entry noong March 15 ang kanyang saloobin sa pagbubuntis ng kanyang misis.


"Mia and I are having a baby!

"We heard our little baby's heartbeat for the very first time last Saturday, and we were happy to know that everything looks good! 138 beats per minute! (If you can tell me how to upload a sound file on this site, I'll let you hear it.) Some people say if the heartbeat is less than 150 beats per minute, it's most likely a girl. More than that, it's a boy. But really, who knows until the fifth month or so, right?

"I'm hoping for a boy, Mia's hoping for a girl, but of course as long as the baby is healthy it really doesn't matter. Mia is now officially 7 weeks and 6 days pregnant and is due on November 2. So I'll be having a very special birthday gift this year.

"New series, new album, new house, new baby. This is a lot of excitement for the first quarter of 2007! God is just too good."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Isa rin si Raymond sa abala sa paglunsad ng Bagets Foundation na binubuo ng cast ng Bagets 1 and 2 na sina Herbert Bautista, Aga Muhlach, William Martinez, Yayo Aguila, Francis Magalona, Cheska Iñigo, Eula Valdez, Jobelle Salvador, at Ramon Christopher.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN