Oyo Sotto denies reconciliation with Angel Locsin


"Nagkikita pa rin kami at nagtatawagan 'pag may time. Nakakatawa ngakasi akala ng tao, first time uli naming magkita after a long time dunsa wedding ni Danica. Ang totoo niyan, ilang beses na kaming nagkitabefore the wedding. Okay kami, walang problema," says Oyo Sotto about his relationship with ex-girlfriend Angel Locsin.



Maugong ang sitsit na nagkabalikan na sina Oyo Sotto at Angel Locsin. Diumano, naganap ang reconciliation sa kasal ng kapatid ni Oyo na si Danica Sotto sa basketball player na si Marc Pingris noong March 3, kung saan sina Oyo at Angel ang naging magkatuwang bilang veil sponsors.

Ngunit itinanggi ni Oyo ang nasabing balita.

Aniya, "Hindi totoong kami na ulit ni Angel. Naniniwala ako na kung talagang kami ay magiging kami kahit hindi natin pilitin. Hindi kami nagmamadali. Sa ngayon, mas okay kami nung ganito na magkaibigan lang."

Inamin ni Oyo na kahit break na sila ay may komunikasyon pa rin sila ni Angel.

"Nagkikita pa rin kami at nagtatawagan 'pag may time. Nakakatawa nga kasi akala ng tao, first time uli naming magkita after a long time dun sa wedding ni Danica. Ang totoo niyan, ilang beses na kaming nagkita before the wedding. Okay kami, walang problema," aniya pa.

Aminado rin si Oyo na siya ang nag-initiate ng breakup matapos ang dalawang taong relasyon nila ni Angel. Gayunman, hindi niya nilinaw kung totoo ang naglabasan na ang kawalan nila ng oras sa isa't isa ang dahilan ng kanilang hiwalayan.

"Ako yung nag-initiate," sabi ni Oyo. "Tapos pinag-usapan namin. Nag-agree naman siya. Pareho naming na-realize na mas mabuti na yung ganito."

Dagdag pa ni Oyo na hindi naging madali para sa kapatid niyang si Danica ang paghihiwalay nila ni Angel na naganap noong Disyembre 26, 2006. Naging malapit daw kasi sobra si Angel sa pamilya Sotto lalung-lalo na kay Danica.

"Minsan naiiyak siya. Kasi nasanay na siya na kasa-kasama namin si Angel sa mga lakaran. Lalo na nu'ng hindi pa siya nag-aasawa," kuwento ni Oyo.

Nilinaw rin ni Oyo ang lumabas na balita na may bago na siyang girlfriend. Diumano, kapitbahay nila ang ipinalit niya sa young actress.

"Wala. Hindi totoo," iling ni Oyo. "Paano mangyayari yun, e, wala nga akong kilala sa mga kapitbahay namin?" ngiti pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon pa kay Oyo, nang lumabas ang isyu tungkol sa pagkakaroon niya ng bagong nobya ay agad niyang tinawagan si Angel.

"Sinabi ko sa kanya na hindi totoo. Kasi ayoko namang isipin niya na hindi ako nagsasabi sa kanya. May pinagsamahan naman kami nung tao and it's just fair na sa akin niya unang malaman kung ano talaga ang real score. Respeto na lang," aniya pa.

Hindi ito ang unang pagkakataon na na-link sa ibang babae si Oyo simula nang mag-break sila ni Angel. Ilan sa mga nabalitang may kaugnayan sa kanya at naging dahilan pa umano ng hiwalayan nila ni Angel ay ang ex-girlfriends niyang sina Alessandra de Rossi at Anne Curtis, Bing Loyzaga, at Kristine Hermosa. Pero lahat ng nabanggit ay mariing pinabulaanan ni Oyo.

"Sa ngayon, hindi pa ako ready na ma-in love ulit. Mabuting i-enjoy ko muna ang pagiging single," aniya pa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN