Boy Abunda denies making money out of Mike Defensor's TV ad


"Nung ginawa ang campaign ad na yun for TV, walang naisahan. Pagmamahalsa isang kaibigan ang serbisyong ibinigay ko sa kanya. Sabihin na anggusto nilang sabihin sa commercial, pero yung pinagkaperahan, tumubonglugaw ako, hindi totoo ‘yan," defends Boy Abunda against accusations that he made money out of Secretary Mike Defensor's campaign ad.



Hindi man pinangalanan pero obvious na obvious naman na ang TV host at talent manager na si Boy Abunda ang tinutukoy sa isang blind item na lumabas sa Bulgar noong March 18. Ayon sa blind item, isang gay manager diumano ang kumita ng malaki sa isang pulitiko at pati ang kanyang mga talents na lumabas sa TV ad nito ay binarat niya. Laman pa ng blind item na hindi raw nakatulong ang TV ad sa pulitiko dahil hindi pumasok sa survey ng Magic 12 na senatorial candidates ang naturang kandidato.

Ang tinutukoy na pulitiko ay si Secretary Mike Defensor, na tumatakbong senador ngayong May elections.

Bihirang mag-react si Kuya Boy sa mga intrigang ipinupukol sa kanya. But this time, sobrang foul daw kasi ang tsismis sa kanya kaya nakapagbitiw ng mga salita ang host ng mga programang Homeboy at The Buzz.



"Okay lang sa akin na pulaan yung TV ad, sabihing pangit yung commercial. Opinyon niya yun. Okay lang sa akin. But whether you like it or not, basta sa amin, importante na pumasok siya [Mike] sa Magic 12. Pumasok na sa isip ng tao yung campaign. At ‘di totoo na ‘di siya pasok sa survey. From 19, nasa number 12 na si Mike," depensa ni Kuya Boy.



Aniya pa, "Nung ginawa ang campaign ad na yun for TV, walang naisahan. Pagmamahal sa isang kaibigan ang serbisyong ibinigay ko sa kanya. Sabihin na ang gusto nilang sabihin sa commercial, pero yung pinagkaperahan, tumubong lugaw ako, hindi totoo ‘yan.



"Oo, na-ano ako kasi parang karakter ko na yung yinuyurakan. At hindi totoo yun, ganun lang kasimple yun. Kaibigan ko si Mike at gagawin ko ang lahat sa kanya. Iba siguro yung reaksyon ko kasi wala talagang bahid na totoo sa isinulat," paliwanag pa ni Kuya Boy.

"Ang pangit lang... Bigyan mo naman ako ng chance na ipagtanggol ang sarili ko. At kailanman, hindi ako nanlamang ng tao," mensahe pa niya sa sumulat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Naghahanap-buhay ako nang marangal at hindi ako naging suwapang sa kapwa. Pinakiusapan ko ang mga artista ko na karamihan kaibigan ni Mike. At sila mismo, pinakiusapan hindi dahil sa pera kundi mga kaibigan talaga sila," diin ni Kuya Boy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN