Carmina Villarroel recalls scary experience


Day-Off host Carmina Villarroel was supposed to wash the fifth floor window of GMA-7 building, but her fear of heights prevented her to do so.



Matinding nerbiyos ang naramdaman ng actress-TV host na si Carmina Villarroel sa isang nakakatakot na experience niya sa isang episode ng Day-Off, ang show niya with Mike "Pekto" Nacua sa QTV 11.

Sa nabanggit na show kasi, pumipili sina Carmina at Pekto ng mga ordinaryong empleyado at manggagawa upang bigyan nila ng pagkakataon na makapagpahinga at makapag-relax for a day. Kapalit nito, sina Carmina at Pekto ang gagawa ng kanilang mga trabaho or duties.

That particular episode, isang window washer ang natoka na palitan muna ni Carmina for a day. Bilang task ni Carmina, ang mga bintana sa building ng GMA-7 sa Timog Ave., EDSA ang ipapalinis sa kanya.

Takot man sa matataas na lugar, walang choice si Carmina kundi gawin yun bilang host ng programa. Pero dahil may takot factor nga ang aktres sa heights, nakiusap siya na huwag siyang itaas masyado sa paglilinis niya ng mga bintana. Kaya napagkasunduan na hanggang fifth floor lang siya ng GMA-7 building dadalhin.

"As in nakakatakot talaga, sobra! Yun nga lang kahit siguro first or second floor matindi na ang nerbiyos ko, yun pa kayang fourth or fifth floor?" panimulang kuwento ni Carmina sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Princess-Charming last Sunday.

"Pero walang choice, kailangan daw na gawin ko. Pero nakiusap ako sa kanila [Day-Off staff] na huwag nang mas mataas pa dun. E, ilang floors ba ang building ng GMA, ang taas-taas, di ba? Kaya nakiusap ako na pinakamataas na ang fifth floor. Pumayag naman sila.

"Then, isinakay na ako dun sa pinaka-board, yung pinaka-inuupuan ng mga window washers. Pero bago yun, pinapirma muna ako ng waiver, na yung Day-Off ang mananagot kapag may nangyari sa akin, mga ganun-ganun. E, di lalo akong natakot, may waiver atsu-tsu na kasi!

"Then, nung sumampa na ako dun sa pinaka-sasakyan ko habang naglilinis ng mga bintana, mas lalo akong natakot dahil ang ikinabit sa akin na harness, dun lang din nakakabit sa pinaka-kahoy. So kapag napatid ang lubid ng kahoy, wala rin, kasama rin ako! May harness nga ako, nakatali nga ako, pero dun din nakakabit sa pinaka-sinakyan ko. So sabi ko, ‘pag nahulog ito, tangay rin ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero nilakasan ko pa rin ang loob ko, go pa rin sana ako. Pero nung umaakyat na, wala pa nga sa fourth floor, iyak na ako nang iyak! Hanggang hindi ko na kinaya, nagsisisigaw na ako na ibaba na nila ako!

"Kaya ayun, ibinaba nila ako, hindi rin natuloy na gawin ko yung task. Hindi ko talaga carry. Kahit hindi yata ako mahuhulog, mamatay naman ako sa nerbiyos," natatawang kuwento pa ni Carmina.

Bukod sa Day-Off ay regular ding napapanood si Carmina sa SIS on GMA-7.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN